Huwag pasaway nang aksidente’y maiwasan!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 25, 2019 - 12:00am

Inaasahan na talaga ang pagtaas ng mga road accidents sa ganitong panahon ng holiday seasons.

Kabilaan kasi ang mga party sa iba’t ibang lugar na dinadaluhan ng ating mga kababayan.

Hindi naman mawawala sa ganyang mga kasiyahan ang pag-inom ng alak.

Isa ito sa nakikitang dahilan kaya mataas ang bilang ng mga akksidente sa lansangan.

Mukhang hindi na natuto ang  marami nating kababayan, sa mga patakarang kung ika’y magmamaneho, ‘wag kang uminom o kung ika’y iinom ‘wag kang magmaneho.

Marami pa rin ang matigas ang ulo na sige nang sige.

Hindi yata alam ng mga ito na hindi lang ang kanilang sarili ang nalalagay sa panganib sa kanilang pagiging ‘pasaway’, kundi maging ang iba pang motorista na pwedeng madamay sakaling maaksidente sila.

Sa ganito namang mga paglabag , mukhang hindi rin natututukan ng ating mga law enforcers.

Isa na marahil sa dahilan eh, wala silang pakialam, o kundi man kulang sila sa kagamitan para madetermina ang isang sinitang motorista na nasa impluwensya ng alak, maliban na lang kung talagang senglot na senglot na ito.

Ano na nga ba ang nangyari sa mga breath analyzer na dapat eh armas ng mga awtoridad sa lansangan.

Matagal nang naipamahagi ang mga breath analyzer na ito na magte-test sa mga motorista na pinaghihinalaang nagmamaneho sa impluwensya ng droga, gayunman marami pa rin ang nakakalusot at ayun nasasasangkot pa nga sa mga aksidente.

Sa ilalim ng anti- drunk driving law, ang mga non- professional drivers na matutuklasan na may alcohol sa dugo na lalagpas sa 0.05 percent ay papatawan ng kaparusahan, habang sa professional drivers naman ay hindi dapat mag-exceed sa 0.01 BAH.

Dapat talagang mahigpit itong maipatupad para kahit papaano eh mabawasan ang aksidente sa lansangan at gayundin, mabigyang leksyon ang mga pasaway.

HOLIDAY SEASONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with