PCSO, pinangiti ang mga Pinoy ngayong Pasko!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 25, 2019 - 12:00am

MERRY Christmas mga kosa!

Halos lahat ng sulok ng bansa ay inikot na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Man. Royina Garma para magpamahagi ng regalo ayon sa Pamaskong Handog ng PCSO. Kasama sa mga nabiyayaan ng grasya ay ang mga kapatid na katutubong Aeta at kanilang mga pamilya sa Floridablanca, Pampanga. Maging ang mga police districts at regional offices ay nagsagawa rin ng mga programa tulad ng libreng pakain at regalo sa mga kabataan at siyempre ang PCSO ang sumagot sa gastusin.

Kaya huwag na kayong magtaka mga kosa kung maraming bilang ng mga kababayan natin ang nakangiti kasi nabiyayaan sila ng grasya ng PCSO sa liderato ni Garma. Get’s n’yo mga kosa? At sa darating na taon, mas bongga pa tiyak ang Pasko ng mga Pilipino dahil magbubukas ng iba’t ibang palaro at branches ang PCSO para maabot nila ang P52 billion na collection target nila.

Kaya ang panawagan ni Garma sa mga kind-hearted na Pinoy ay tangkilikin ang palaro ng PCSO nang sa gayon may posibilidad na silang manalo ng milyones na premyo at higit sa lahat ay makakatulong pa sila sa mga mahihirap nating kababayan, lalo na yaong may mga sakit. Binalaan naman ni Garma ang publiko na huwag tumaya sa online Bingo dahil ilegal at walang basbas ito ng PCSO. Araguuyyy! Hak hak hak! May gustong kumita lang dito sa online Bingo at ang masakit pa ang pangalan ni President Digong ang kinakaladkad nito. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba kosang Vic Endriga Sir?

Sa darating na taon, maglalaan ang PCSO ng P3 billion na pondo para sa Universal Health Care (UHC) project ni President Digong samantalang P3.1 billion naman ang mapupunta sa Malasakit Center sa halos 50 ospital sa bansa. Nangako si Garma na 100 porsiyento ang magiging suporta nila sa UHC at sa Malasakit Center para tugunan ang pangkalusugang pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan.

Kaya sa mga suki ng PCSO, abangan n’yo ang pagbubukas ng mga karagdagang palaro nila dahil matutuwa kayo at milyones din ang pondo na malilikom dito. ‘Wag n’yo na tangkilikin ang online Bingo dahil niloloko lang kayo ng mga operators nito at higit sa lahat hindi kayo nakakatulong sa kapwa nating Pinoy na mahihirap at may sakit. Ang ibig kong sabihin mga kosa, ang tumataba lang dito ay ang bulsa ng operator ng online Bingo, na talagang dapat iwasan n’yo mga kosa. Araguuyyy! Hak hak hak!

Sinabi pa ni Garma na dahil kinain na ng UHC at Malasakit Center na ang malaking bahagi ng makalap nilang pondo sa susunod na taon, pipiliin na lang ang mga may sakit ng tutulungan ng PCSO sa ilalim ng kanilang flagship program na Individual Medical Assistance Program (IMAP). Get’s n’yo mga kosa? Teka nga pala! Tumatanggap na ng aplikante ang PCSO para sa bubuksan nilang branches sa bansa kaya’t kapag pinalad kayo ay presto...may trabaho na kayo sa pagpasok ng taon 2020. At bilang paalala rin, huwag nang magpaputok mga kosa sa pagdiwang ng Pasko dahil baka sa ospital ang bagsak n’yo! Abangan!

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with