Lahat ng gamot mahal na!
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

MINSAN, hiniling ko sa nauna kong doktor na palitan ng mas mura ang gamot ko sa hypertension dahil napakamahal ng inirereseta niya sa akin. Ang katwiran niya, lahat naman ng mga gamot ay mahal. Hindi na ako umimik. Pero, nang minsang nakapagpatingin ako sa ibang doktor, nagreseta siya ng ibang gamot na mas mura halos ng kalahati sa presyo ng gamot na dati kong iniinom. Hindi naman generic, bagkus, branded din iyong inireseta pero mas mura at epektibo rin naman na nagpapanatiling maging normal ang blood pressure ko.

Magkakaiba naman kasi ang pamamaraan ng iba’t ibang doktor sa kanilang panggagamot sa kanilang mga pasyente. Kaya, kadalasan, mahalaga rin ang humingi ng second opinion ng ibang doktor kung hindi ka kuntento sa pamamaraan ng kasalukuyan mong manggagamot. May  mga doktor na naninindigan sa inirereseta niyang gamot pero meron din namang mga doktor na nagrereseta ng ibang klase at mas murang gamot kapag hiniling ng kanilang pasyente lalo na kung kinakapos ito sa pera.

Kamakailan, nagbitaw ng pahayag si Department of Health Secretary Francisco Duque III na ang mga doktor ay nakikipagsabwatan umano sa mga malalaking kompanya ng gamot, drug manufacturer at branded products sa paninira at pagmamaliit sa mga generic drugs.  “Sinasabi na ang kanilang produkto ay mas superior, mas epektibo kaysa sa generic equivalent. Hindi naman totoo ‘yun,” ani Duque. 

Ang generic drugs ay mga gamot na nagtataglay ng mga kemikal na katulad ng nasa mga branded na gamot pero mas mura ang presyo ng una kaysa sa huli.

Hindi naman nagbanggit ng mga pangalan ng kompanya o doktor si Duque pero maaasahang meron siyang basehan sa kanyang akusasyon lalo na at isa siyang mataas na opisyal ng pamahalaan at isinusulong  niya ang pagpatay ng price ceiling sa may 122 gamot sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal dis­eases at major cancers.

Pero hindi naman marahil lahat ng doktor ay katulad ng inilalarawan ng kalihim. Meron din namang mga doktor na nagbibigay ng konsiderasyon sa kanilang pasyente kung kulang ang  pambili nito ng gamot sa pamamagitan ng pagrereseta ng generic drug  o ibang branded na mas mura.

Gayunman, meron din namang katotohanan yung sinasabi ng nauna kong doktor na lahat naman ng gamot ay mahal na. Mataas pa rin ang presyo ng bago kong gamot kahit masasabing mas mura ito kumpara sa nauna kong gamot.

Lumitaw nga sa isang survey ng Pulse Asia na ipinalabas ng DOH na nagsasaad na 99 porsiyento ng mga Pilipino ang hindi makabili ng inireseta sa kanila na mga gamot dahil napakamahal!

Email: rbernardo2001@hotmail.com

 

GAMOT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with