Hustisya nakamit na!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 20, 2019 - 12:00am

Matapos ang sampung taon paghihintay, sa wakas ay naibaba na rin kahapon ang hatol sa mga akusadong dawit sa karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Guilty beyond reasonable doubt ang naging hatol sa ilang  miyembro ng Ampatuan clan na sinasabing ‘utak’ sa naganap na pagmasaker sa 57 katao.

Kabilang dito sina dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.; dating Autonomous Region in Muslim Mindanao governor Zaldy “Puti” Ampatuan;  Anwar Ampatuan Sr.; Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., at Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan. Napatunayan ang mga itong guilty sa 57  counts ng murder.

Bukod dito, nasa 23 pa ang nahatulan din ng guilty verdict sa parusang reclusion perpetua o hanggang 40 taong pag-kabilanggo na walang parole ang naging hatol ng QC Regional Trial Court   Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.   

Labinglima din ang nahatulan ng accessory sa krimen.

Habang 56 naman ang napawalang sala.

Labis naman ang naging kasiyahan ng mga kaanak ng mga naging biktima sa itinuturing na   na karumal-dumal na election-related violence na naganap sa bansa.

Marami naman ang humanga sa katapangang ipinakita ni hukom na humawak sa kaso.

Hindi nagpatinag si Judge Solis-Reyes sa anumang pressure at pagbabanta sa buhay.

Hindi nga ba’t minsan na niyang tinanggihan ang pagkakaloob ng security ng PNP.

Kung may nag-inhibit sa kaso dahil sa mga pagbabanta, hindi naman nakita kay Judge Solis-Reyes ang anumang takot kundi matapang na hinarap ang paglilitis hanggang sa dumating na nga sa kanyang paghatol.

Marami ang natutunan sa insidenteng ito, pero ang mahalaga sa kasalukuyang naibigay na ang karampatang hustisya sa mga naging biktima pati na rin sa kanilang mga naiwan na hindi bumitiw sa laban.

 

HUSTISYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with