^

Punto Mo

Hatol sa Maguindanao massacre, inaabangan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bukas na ang pinakahihintay na hatol.

Siguradong tututok ang marami nating mga kababayan sa isasagawang promulgation bukas (Huwebes) sa naganap na Maguindanao massacre.

Makalipas ang sampung taon, ilalabas na ang hatol sa isa sa itinuturing na karumal-dumal na election-related violence na naganap sa bansa.

Limamput-walong katao ang nasawi sa naturang insidente kabilang dito ang 32 media practitioners.

Mahigit sa 100 na akusado sa krimen ang nadakip at nakapiit. Habang may pinaghahanap pa hanggang sa ngayon.

Base sa rekord ng korte aabot sa 357 ang naiprisintang witness sa kaso.

Isang daan at talumput-apat ang sinasabing witness ng prosekusyon, 58 ang private complainant at 65 ang testigo ng defense).

Isasagawa ang promulgation sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kung saan nakapiit ang karamihan sa mga akusado.

Mahigit na seguridad ang ipapatupad, na masasaksihan ng buong bansa dahil sa live coverage.

Sa Camp Bagong Diwa sa Taguig isasagawa ang promulgation. Mahigpit na seguridad ang ipapatupad kaya inaasahan ang kooperasyon ng lahat.

Dito aabangan ng bansa ang ibabang desisyon sa karumal-dumal na krimen na gumimbal sa bansa.

Magugunitang matapos ambusing inilibing pa ang mga bangkay ng biktima sa isang lugar na ginamitan pa ng backhoe.

Aantabay tayo sa mgiging hatol ng korte sa naturang insidente.

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with