^
EDITORYAL â Ipakita ni Misuari na kayang durugin ang Abu Sayyaf!

EDITORYAL – Ipakita ni Misuari na kayang durugin ang Abu Sayyaf!

(Pang-masa) - December 17, 2019 - 12:00am

WALA na umanong tatakbuhan ang Abu Sayyaf. Makaaasa umano ang Presidente na susuportahan siya ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pagdurog sa mga teroristang grupo sa Sulu. Makikita raw ang MNLF kung gaano sila kaepek­tibo sa paglutas sa problema sa Abu Sayyaf. Subukan daw sila kung gaano kahusay sa pagkakataong ito.

Ito ang makahulugang sinabi ni MNLF founder Nur Misuari noong Biyernes makaraang italaga ni President Rodrigo Duterte na special envoy on Islamic Affairs to the Organization of Islamic Cooperation (OIC). Ito ang unang meeting ng Presidente at ni Misuari makaraang itatag ang bagong MNLF peace coordinating committee.

Ito ang matagal nang hinihintay nang marami --- ang magsalita si Misuari nang pagsuporta sa pamahalaan para lubusang malipol ang mga teroristang Abu Sayyaf. Matagal nang tinik ang Sayyaf. Dahil sa ginagawa ng mga itong pangingidnap sa mga dayuhan at maski sa mga kapwa Pinoy man, kinatakutan ang Mindanao. Nabawasan ang mga turistang nagtutungo sa rehiyon dahil sa takot na makidnap.

Kabilang sa mga kinidnap ng teroristang grupo ay ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham noong 2000. Napatay si Martin nang i-rescue. Noong 2017, isang German ang kanilang kinidnap makaraang patayin ang misis nito. Naganap ang kidnapping at pagpatay sa Tawi-Tawi. Dalawang Canadian hostages ang kanilang pinugutan noong 2016 makaraang hindi makapagbigay ng ransom.

Malaking pera na ang naibulsa ng Abu Sayyaf sa pangingidnap. Ayon sa report, umabot na sa P353 mil­yon ang kinita sa kidnapping. Ang malaking kinikita sa kidnapping ang dahilan kaya nakakabili nang matataas na kalibre ng baril ang Abu Sayyaf. Ayon sa report, sa kinitang P353 milyon, nakabili ang mga bandido ng 438 baril at nakapagsasagawa pa ng terrorists trainings. Ang grupo ay nakipag-alyansa sa teroristang ISIS noong 2016 at nakakakuha ng suportang pinansiyal dito.

Ngayong nangako si Misuari na dudurugin ang Abu Sayyaf, maaaring matapos na ang ginagawang kasamaan ng mga terorista. Magiging tahimik na ang Mindanao sa kuko ng Sayyaf. Harinawang maipakita ni Misuari ang kakayanang lupigin ang grupo.

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with