^

Punto Mo

EDITORYAL - Sunud-sunod na kidnapan

Pang-masa
EDITORYAL - Sunud-sunod na kidnapan

USUNG-USO ang kidnapan ngayon. Mula nang dumagsa sa bansa ang Chinese gambling investors at mga empleyado para sa Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) noong 2017, dumami na ang kaso ng kidnapping. Pawang mga Chinese ang kinikidnap at ang mga nangingidnap ay kababayan din nila. Kadalasang kinikidnap ay mga Chinese na naglaro sa casino. Maraming turistang Chinese na nagtutungo sa bansa ay naiimbitahan ng kanilang kababayan na maglaro sa casino na kapag natalo ay bumabagsak sa “loan sharks”. Kapag hindi nakaba-yad sa inutang, dito na magsisimula ang pagkidnap.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na biglang tumaas ang kaso ng kidnapping ngayong taon.  Ayon sa PNP-Anti-Kidnapping Group, mayroon nang 42 kaso ng kidnapping mula Enero hanggang Nobyembre. At pawang ang mga kinikidnap ay Chinese na nagtatrabaho sa POGO at ang ilan naman ay mga nalulong sa sugal sa casino. Ayon pa sa PNP, mayroon na silang naarestong 88 suspects at na-rescue na 29 biktima. Nasa kabuuang 27 kaso ng kidnapping ang kanilang nalutas.

Noong 2017, umabot sa 17 kaso ng kidnapping ang naitala ng PNP at nakaaresto sila ng 59 suspects. Noong 2018, 16 na kaso ang naitala at nakaaresto sila ng 17 suspects.

Ganunman, kahit maraming naaresto ang PNP, patuloy pa rin ang nangyayaring abduction at walang pagkatakot ang mga suspect. Lantaran kung gawin ang pangingidnap na para bang isang normal na aktibidad lang para sa mga suspect.

Gaya nang pagkidnap sa isang babaing Chinese sa Makati City noong nakaraang Lunes ng gabi. Mga kalalakihang nakasakay sa isang van ang nangidnap. Nakilala ang Chinese na si Zhou Mei, 28, isang POGO worker. Kinidnap siya sa Paseo de Roxas St. dakong 9:00 ng gabi. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natutunton ang Chinese.

Nang dumagsa ang mga Chinese sa bansa, lumala ang kidnapping at apektado ang katahimikan. Wala namang ganito dati. Bakit hindi suspendihin ang ope­rasyon ng POGO para matigil na ang kidnapping. Maski ang China, kontra sa POGO dahil nalululong ang kanilang mamamayan sa sugal. Bakit hindi itigil muna ang POGO operation para matigil din ang kidnapan.

vuukle comment

KIDNAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with