^

Punto Mo

‘Bulag ako’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG matandang pulubing bulag ay nakapuwesto sa tabi ng kalsada na dinadaanan ng maraming tao araw-araw. May lata siya kung saan isu-shoot ng mga tao ang kanilang limos. Tapos may nakakuwintas sa kanyang karton kung saan may nakasulat na: BULAG AKO.

Inihahatid siya dito ng kanyang misis. Habang siya ay namamalimos, si Misis naman ay muling babalik sa kanilang bahay para tapusin ang tambak ng labadang tinatanggap nito mula sa kanyang mga kliyente. Bago magtanghalian ay muli siyang babalikan ni Misis upang magtanghalian at tuluyan nang magpahinga mula sa pamamalimos.

Ngunit noong araw na iyon  ay walang kumakalansing na pera sa lata. Ibig sabihin ay walang nagbibigay ng limos. Maluha-luha ang pulubi dahil uuwi siyang walang laman ang kanyang lata. May isang babaeng naghihintay ng taksi sa tabi ng pulubi. Kanina pa nito pinagmamasdan ang pulubi. Nakita niyang wala pang laman ang lata. Lumapit ang babae sa pulubi.

“Tatay puwede bang tanggalin ko ang karton na nakasabit sa leeg mo?”

“Bakit?”

“May idadagdag ako sa nakasulat diyan, para maraming maawa sa iyo at magbigay ng limos”

Pumayag ang matanda. Nang muling ikinuwintas ang karton, biglang nagdagsaan ang kalansing ng barya sa lata. Nang bumalik si Misis para sunduin ang asawang pulubi, mangiyak-ngiyak ito sa tuwa nang makitang umaapaw ang barya sa lata. Ikinuwento ng pulubi ang nangyari.

“Ano bang isinulat ng babaeng iyon at maraming nagbigay ng limos sa akin?” tanong nito sa asawa. Binaliktad pala ng babae ang karton at nagsulat ng panibago sa kabilang side ng karton. Binasa ni Misis ang nakasulat:

“Maganda ang paligid ngunit hindi ko ito makita”

Mas naantig ang damdamin ng mga tao sa pangungusap na iyon kaysa diretsong isinaad niya sa naunang isinulat  sa karton na bulag siya.

By the way, ang babae ay nagtatrabaho bilang copywriter sa isang advertising agency. Siya ang nag-iisip at sumusulat kung ano ang sasabihin sa mga TV commercial para bilhin ng publiko ang produktong ikinakampanya nila.

vuukle comment

BULAG AKO’

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with