^

Punto Mo

Sugar Mommy (237)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO naman kaya ang ikakarga sa traysikel mo Sammy kapag inarkila ka uli?’’ tanong ni Jericho  na halatang excited.

“Wala akong ideya kung ano, Jericho. Pero tiyak na aarkilahin daw ako. Kaya nga tinanggap ko ang ibinibigay na pera. Natakot ako na baka hindi na nga arkilahin.’’

“Baka buko naman ang ikakarga sa traysikel mo. Marami kasing bunga ang mga niyog niya.’’

“Baka nga, Jericho.’’

“Kapag inarkila ka bukas, simplehan mong itanong kung sino ang nasa picture na nakadispley sa sala.’’

Napatingin nang may kahulugan si Sammy kay Jericho.

“Baka mahalata ako Jericho.’’

“Hindi naman siguro. Parang patay-malisya ka lang sa pagtatanong.’’

“A sige. Sisimplehan ko.’’

“Titingnan natin kung ano ang isasagot niya, Sammy.’’

“Okey Jericho. Sana arkilahin niya ako bukas.’’

“Sana nga, Sammy. Siyanga pala Sammy, ihatid mo uli ako bukas sa lugar na pinag-oobserbahan ko. Patuloy kong susubaybayan si Jane.’’

“Okey Jericho. No problem.’’

 

KINABUKASAN, dakong alas otso ay inihatid ni Sammy si Jericho sa lugar na pinag-oobserbahan nito.

Nagmanman si Jericho.

Matagal bago lumabas si Jane.

Nang lumabas, may hawak itong itak. Nakadiyaket na maong.

Nakita ni Jericho na inalis ni Jane ang mga tuyong dahon ng saging at niyog. Itinambak sa isang lugar.

Pagkaraan ay ang pagtatabas ng damo sa pampang ng sapa ang inatupag nito.

Humanga si Jericho sapagkat walang kapaguran si Jane. Trabaho nang trabaho.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with