Kinutsaba ang funeral parlor babae sa South Africa, humiram ng bangkay para maka-claim ng insurance
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

ISANG 35-anyos babae sa South Africa ang inaresto ng mga pulis dahil sa fraud o panloloko.

Para maka-claim nang malaking pera sa insu-rance, kinutsaba ng babae ang may-ari ng punerarya. Humiram siya ng bangkay bilang patunay na patay na ang naka-insured. Pumayag agad ang may-ari dahil sa pangakong malaking kabayaran sa hihiraming bangkay.

Pagkatapos makahiram ng bangkay, agarang kumuha ng insurance ang babae sa tatlong iba’t ibang insurance companies. Ang inilagay niyang pangalan ay “APHIWE NTOMBELA”.

Isang doktor naman ang nag-certified na patay na nga si “APHIWE NTOMBELA”.

Mabilis na nakapag-claimed ng insurance ang babae na nagkakahalaga ng $11,000 (katumbas ng P550,000).

Tuwang-tuwa ang babae pati na ang may-ari ng punerarya.

Pero saglit lang ang katuwaan ng babae at may-ari ng punerarya sapagkat eksaktong isang linggo makaraang makapag-claim sa insu-rance, dumating ang mga pulis at inaresto sila.

May nagsumbong sa mga pulis ng ginawa nilang panloloko. Nakakulong na ang dalawa.

SOUTH AFRICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with