Sugar Mommy (236)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

HANGGANG maalala ni Jericho na humingi nga pala sa kanya ng picture si Jane noong nagpaalam siya rito na magsa-Saudi. Hinalikan pa nga siya ni Jane noon. Hindi niya malimutan ang paghalik ni Jane.

“Saan nakalagay ang picture ko Sammy?’’

“Sa table sa salas. Naka-frame ang picture at mada-ling makita. Kaya nga nang pumasok ako habang pasan ang isang sako ng bigas, yung picture mo agad ang nakita ko.’’

“Bakit kaya idinispley pa ni Jane ang picture ko sa salas.’’

“E siyempre naman may malalim na pagtingin ko sa’yo he-he-he!’’

Nag-isip si Jericho.

“Hindi ilalagay ang picture mo kung walang malalim na dahilan. At nasisi-guro ko, mayroong pagtatangi sa’yo si Mam Jane.’’

Nagtawa si Jericho.

“Ang lalim naman ng sinabi mo, Sammy --- pagtatangi. Para ka palang makata kung magsalita.’’

Napahalakhak si Sammy.

“Ano pa ang napansin at naobserbahan mo Sammy?’’

“Napansin ko na maganda pala si Mam Jane. At bukod ‘dun, mabait pa. Hindi ko nga tinanggap ang binibigay na bayad sa pagbuhat ko ng bigas pero tinakot ako na hindi na aarkilahin kaya tinanggap ko na rin.’’

“Mabait talaga si Jane at maganda pa. Habang tinititigan mo e lalong gumaganda.’’

“Anong age na ni Mam Jane.’’

“Past 60 na siya.’’

“Sixty? E parang mga 45 lang siya ah! Walang kulubot ang kanyang mukha. Ano kayang sekreto niya at mukhang bata, Jericho.’’

“Wala na kasi siyang pro-blema sa dating asawa. Mula nang mabiyuda, napahinga ang isip sa problema. Tapos, pawang sariwa ang kinakain niya rito. Sariwa ang hangin. Lagi siyang nag-eexercise. Sagana sa prutas.’’

“Palagay ko nga, Jericho. Hanga talaga ako kay Mam Jane.’’

“Ano pang napansin mo sa kanya, Sammy.’’

“Parang tapat siyang magmahal, Jericho.’’

Napangiti si Jericho.

“Kapag inar­kila uli ako, marami pa akong malalaman ukol kay Mam Jane.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with