EDITORYAL - Paano nakalusot sa Customs ang Chinese frozen meat?
(Pang-masa) - December 14, 2019 - 12:00am

TALAMAK pa rin ang corruption sa Bureau of Customs (BOC) at malaking katanungan ngayon kung nagkamali ba si President Duterte sa pagtatalaga kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Si Guerrero ang ipinalit kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nalusutan ng P6-bilyong halaga ng shabu noong 2017.

Ngayon ay hindi naman shabu ang nakalusot sa Customs kundi mga frozen meat. Noong Miyerkules, may kabuuang 1,054 na kahon ng mga assorted na karne ang kinumpiska ng mga taga-National Meat Inspection Service-Department of Agriculture sa Navotas City. Nakatanggap ng tip ang NMIS-DA na mayroong idedeliber na karne sa isang subdibisyon doon. Tama ang tip sapagkat nang buksan ang container van, nakita ang maraming kahon na ang laman ay assorted na karneng galing China. May baboy, Peking duck at baka. Ayon sa mga awtoridad, illegal ang pagkakatay sa mga ito.

Kahapon, nakasabat na naman ang mga awtoridad ng mga karne sa Tondo, Maynila. Wala ring mga dokumento ang mga nasabat na karne na nanggaling din sa China.

Paano nakalusot sa Customs ang mga karne?
Dapat pa bang itanong ito? Corruption ang dahilan. Wala namang iba pang dahilan. Maraming corrupt sa Customs kaya hindi na nakapagtataka kung makalusot ang mga karne. Kung ang shabu ay nakakalusot, mas lalo naman ang karne o maski ang iba pang produkto gaya ng bigas, sibuyas, asukal at maski mga paputok.

Walang pagbabago sa Customs. Kahit marami nang naging commissioner at ang iba ay nangakong dudurugin ang corruption, wala ring nangyari. Kailan kaya makakatagpo si President Duterte ng matapat at malinis na Customs Commissioner. Kailan? Ewan!

CHINESE FROZEN MEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with