^

Punto Mo

Dennis ‘pisngi’ ng NAIA, bow

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HINDI pala matigil o mapigilan ang ginagawang pagsalubong ng isang top brass opisyal ng Bureau of Immigration na may alyas Dennis ‘pisngi’ sa mga dumarating na  Chinese nationals sa NAIA. 

Bakit?

Pinasasalubong daw sa kanya ng mga kongresista na kanyang pinagkakautangan ng loob ang mga Chinese lalo’t iyong umano’y magta-trabaho sa mga POGO’s?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

May pera ba sa salubong ni alyas Dennis ‘pisngi’ o may kapalit na perang ibinibigay sa kanya sa kada Chinese na kanyang pinagkakaabalahang salubungin.

Kaya tuloy ang mga kasamahan niya sa arrival area immigration counters ay masamang-masama ang loob dito porke bukol ang inaabot nila kay alyas Dennis ‘pisngi’. Ano ba ito? Bakit? May pera ang bawat salubong ni alyas Dennis ‘pisngi’ sa NAIA.

Kamibiyo issue, totoong maraming Chinese nationals ang nadi-deport dahil sa iba’t ibang case problem na ginawa ng mga ito pero mas marami ang dumarating sa Philippines my Philippines na ang karamihan ay sinasalubong ni alyas Dennis ‘pisngi’ lalo’t iyong magtatrabaho sa mga POGO’s at ilang illegal online scam? Take note, DoJ Secretary Guevarra at BI Commissioner Morente, Your Honors! Hindi pala kayang sibakin sa NAIA si alyas Dennis ‘pisngi’ dahil isusumbong ang gagalaw sa kanya sa mga kongresista na sinasabing protektor niya? Patay tayo r’yan!

Hindi biro ang mga dumarating na Chinese nationals sa NAIA terminals everyday puno ang mga eroplano nila kaya naman ang mga kamoteng taga-immigration ay kanya-kanyang salubong sa kanilang mga parokyanong Chinese. Sabi nga, binibilang lang ang mga dumarating dahil may presyo kada ulo ang mga pasaherong sinasalubong nila sa paliparan. Ano ba ito?

Para ninyo makita ang sinasabi natin subukan ninyong magpunta sa Macapagal Avenue makikita ninyo na parang extension ng China ang lugar na ito porke sangkaterbang Chinese ang nagkalat dito.

Ang hindi lang natin alam ay kung sinu-sino ang legal at illegal workers sa kanila? Bukod dito, may mga Chinese prostitutes na rin ang pumasok sa mga clubs na nagbebenta ng aliw hindi lang sa kapwa nila Chinese nationals kundi kahit na sa malilibog na Pinoy.

Ok lang sana kung nagbabayad ang mga workers ng taxes sa gobierno ng Philippines my Philippines. Sabi nga, additional income ito sa gobierno. Ang iba kasi sa kanila ay niloloko pa ang gobierno natin porke hindi sila nagbabayad ni singkong duling samantala rito sila kumikita ng salapi.

Isa pang nagiging problema ng mga autoridad sa Philippines my Philippines ay ang mga kidnapping cases ng mga Chinese versus kapwa nila Chinese. Ito ang nagpapasakit ng ulo sa mga authorities natin imbes na pakuya-kuyakoy sa kanilang mga opisina ay napapasabak sila sa mga malalalim na kaso ng kidnapping.

Bakit? Dumarami ang Chinese loan shark sa mga casino at iyong mga pinautang na Chinese na hindi nakakabayad tiyak susungkitin ng sindikato at ipatutubos sa kanilang pamilya sa China. Ang masama pa rito kung hindi sila matubos tiyak gulpe sarado sila sa mga animal at kung minamalas-malas pa ang mga umutang ay pinapatay pa sila ng mga buhong. Sabi nga, ikaw utang, hindi bayad ikaw paktay! Dapat mabusisi ito specially si alyas Dennis ‘pisngi’ imbestigahan sa ill-gotten wealth ! Abangan.

vuukle comment

DENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with