^

Punto Mo

Sugar Mommy (235)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY maganda akong ibabalita sa’yo Jericho,” sabi ni Sammy nang magkita sila sa lugar na kanilang pinag-usapan.

“Alam ko na, Sammy.   Inarkila ka ni Jane para dalhin ang saging sa palengke. At pagbalik, bigas naman ang karga mo. Ipinabuhat sa iyo ni Jane ang bigas di ba?’’

Nagtawa si Sammy at pagkatapos ay pinaandar na ang traysikel.

“Ano Sammy di ba tama ako?”

“Oo. Tama ang mga si­nabi mo. Pero may mas maganda pa akong sasabihin. At tiyak na magugulat ka pag nalaman mo.”

“Ano Sammy?’’

Nagtawa uli si Sammy at mabilis na pinaharurot ang traysikel.

“Ano Sammy, sabihin mo na at nae-excite na ako.’’

“Mamaya na lang Jericho at baka hindi tayo magkarinigan dahil malakas ang hangin.’’

“A okey sige. Pagdating na lang natin sa bahay. Pero siguruhin mong maganda ang ibabalita mo at masisiyahan ako.’’

“Tiyak na masisiyahan ka.’’

Pinabilis pa ni Sammy ang traysikel.

Hanggang sa makarating sila sa bahay.

Nang makapasok sila sa bahay, excited si Jericho.

“Dali na Sammy ano ang ibabalita mo.’’

“Nang makapasok ako sa loob ng kubo, nakita ko ang picture mo na nakadispley sa salas. Naka-frame ang picture. Hindi ako maaring magkamali na ikaw yun, Jericho.’’

“Talaga?”

At nag-isip si Jericho kung paano nagkaroon ng picture niya si Jane. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with