POGOs at kaso ng kidnap sa mga casino
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 13, 2019 - 12:00am

Aminado ang pamunuan ng PNP na lubhang tumaas ang kaso ng kidnapping sa taong ito, dahil nga sa nagsulputang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at mga kaso ng loan shark sa mga casino sa bansa.

 Base sa rekord ng PNP- Anti Kidnapping Group (AKG) nasa 75 kaso ng kidnapping na naireport sa taong ito, at 42 dito ay may kinalaman sa POGOs at casino.

Gayunman sa nasabing bilang, 27 ang nalutas kung saan 88 suspects ang naaresto.

Nadadalas ang ganitong kahalintulad na  insidente nang pagdukot ng  Chinese suspects sa kanilang mga kababayan.

Ito ay nagsimula  nga  nang parang kabute na  nagsulputan sa bansa ang POGOs habang karamihan sa mga turistang Chinese ay ‘laman’ naman sa mga casino.

Dito naman nakaabang ang kanilang mga kababayan. Iniintay ang kanilang pagkatalo tapos aalukin ng malaking halaga para muling lumaro.

Kaso nga karamihan, natatalo uli.

Ang gagawin ng mga ‘pasaway’ puwersahang isasama ang pinautang na walang maibayad. Doon ipipiit habang tatawagan ang mga kaanak nito para ipatubos

Sakit ngayon ng  ulo ng PNP ang ganitong mga insidente ng abduction.

Dumadagdag pa sa problema at pagtaas ng krimen sa bans ang mga ito.

Panahon na para mabusisi kung nakakatulong ba o nakakapuweriyo ang pagpasok ng mga POGO sa bansa.

Bagamat may revenue nga  ang gobyerno, baka kulang pa ito sa ginagastos sa paglutas ng mga kaso ng ‘kidnap’ sa mga ito.

Ang masaklap, baka hindi pa nagbabayad ng tamang buwis ang mga ito at ‘ nananakawan’ pa ang gobyerno.

Sige kayo, kapag nagalit si Pangulong Digong, malalagot kayo!

POGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with