^

Punto Mo

Sugar Mommy (234)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TANGGAPIN mo na itong pera. Mabigat ang bigas. Sige na,” sabi ni Jane at pilit na ibinibigay ang P100 kay Sammy.
“Huwag na po!’’

“Sige na. Ano nga ba ang pangalan mo?’’

“Sammy po.’’

“Sammy ako nga pala si Jane. Tanggapin mo na itong pera dahil naabala ka naman sa pagbuhat ng bigas. Wala kasi akong ibang uutusan kaya sana tanggapin mo na.’’

‘‘Huwag na po Mam Jane. Maliit na bagay po ang pagbuhat ko ng bigas.’’

“Sige ka, kapag hindi mo ito tinanggap e hindi ka na namin aarkilahin. Marami pa naman akong ibibiyahe sa bayan.’’
Napakamot sa ulo si Sammy.

“Sige na tanggapin mo na. O baka naman maliit ito kaya ayaw mong tanggapin. Teka at dadagdagan ko.’’

“Naku hindi po.’’

“Kung gayun, tanggapin mo ito.’’ Napilitan si Sammy. Tinanggap ang P100.

“Marami pong salamat Mam Jane.’’

‘‘Salamat din. Bukas nga pala ay mayroon akong aanihing mais. Puntahan mo dakong ala una ng hapon. Mga ilang tiklis din ang mais.’’

“Sige po Mam Jane. Pupuntahan ko po rito bukas.’’

“Salamat, Sammy.’’

Nagpaalam na si Sammy.

Samantala, nakita ni Jericho ang paglabas ni Sammy mula sa kubo at ang pagpapaandar sa traysikel. Hanggang umalis ito.

Napangiti si Jericho, tiyak na maraming iku­kuwento sa kanya si Sammy mamaya. Nasasabik si Jericho sa ikukuwento sa kanya. Ano kaya ang malalaman niya.

Maya-maya tinext na niya si Sammy para sunduin siya.

Nagtungo na si Jericho sa tagpuan nila ni Sammy.

Nang dumating siya roon, naghihintay na si Sammy.

Abot hanggang pisngi ang pagkakangiti ni Sammy nang makita si Jericho.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with