^

Punto Mo

Kaalaman ukol sa pagkalalaki at pagkababae

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Base sa pag-aaral ng mga British, mas gusto ng mga lalaki ang babaeng malaman pero may kurba ang katawan kaysa seksing payat.

Peyronie’s disease ay isang kondisyon na baluktot ang penis. Pinag-aaralan ng mga doktor kung puwedeng gamitin dito ang gamot na ginagamit upang maituwid ang baluktot na daliri.

Sa isang pag-aaral na ginawa, mas nata-turn on ang mga babae na panoorin ang naghahalikang babae at lalaki kaysa nagtatalik ang mga ito.

Ang orgasm daw ng Europeans ay tumatagal ng 16 minutes at sa Americans ay 7 minutes.

Ugaliing magyakapan ang mag-asawa habang nanonood ng TV. Ang mag-asawang laging nagyayakapan ay mas maliit ang tsansa na makaranas ng depresyon kaysa mag-asawang nagyayakapan lang kapag nagtatalik.

Natuklasan ng mga eksperto na ang babaeng may mataas na level ng female hormone na kung tawagin ay oestradiol ay malaki ang tsansang magtaksil. Ang mataas na level ng oestradiol ay lumilikha ng malaking suso at maliit na baywang sa babae. Ang resulta, nagiging pansinin siya ng mga kalalakihan at nalalantad sa kaway ng tukso.

Ayon sa US survey, ang mga suki ng online pornography ay mula sa mga states na conservative at religious.

Mas maganda ang sexual performance ng mga athletic woman kaysa walang hilig sa sports. Iyon ay dahil  mas maganda ang kanilang clitoral blood flow na ang resulta ay higher sexual satisfaction.

Mas lalo kayong gaganahang mag-asawa kung mag-e-exercise kayo ng 20 minuto bago magtalik.

Ang babaeng nagtataglay ng emotional intelligence ay nakakaranas ng  maraming beses na orgasm. Ang emotional intelligence ay kakayahan na maunawan ang sariling damdamin, kung bakit masama o maganda ang kanyang mood, kung bakit lagi siyang nalulungkot, etc. Hindi lang kanyang sarili ang nauunawaan niya kundi ang damdamin at behaviour ng ibang tao kaya mas madalas na kasundo siya ng maraming tao.

Sa buong mundo, higit-kumulang na 30 percent lang  ng kalalakihan ang tuli. Mas mabilis maantig ang damdamin ng tuli kaysa hindi. Ang dulo ng penis ay mas nagiging sensitive kung manipis  at walang “helmet”.

Itutuloy

 

vuukle comment

PAGKABABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with