^

Punto Mo

Asawa, dinukot ng puting van! Hindi ito fake news!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KUMAKALAT ngayon sa social media ang sunud-sunod na pagkawala ng mga kabataan sa Metro Manila. Ang mga suspek, ‘di pa rin nakikilala. Pero palatandaan ang puting van na ginagamit sa pagdukot sa mga biktima.

Ayaw kong paniwalaan ang mga kuwentong kutsero na ‘to dahil wala pa namang inilalabas na opisyal na pahayag ang National Capital Region Police Office (NCRPO) patungkol sa kumakalat na isyu.

Last week, isang kaso ng pandurukot ang idinulog sa Pambansang Sumbungan ng isang misis. Dinukot ng mga lalaking sakay ng puting van habang minamaneho ang kanyang tricycle, may CCTV footage ang pangyayari.

November 13 huling nakita si Niño Mendoza na namamasada ng kanyang tricycle sa Anonas, Quezon City. Bigla na lang may tatlong puting sasakyan – dalawang van at isang SUV, na sinandwich ang tricycle at sapilitang pinasakay sa van si Niño.

Walang nakakaalam sa tunay na motibo ng pagdukot sa tricycle driver pero malinaw na siya’y pinagplanuhan at pinaglaanan ng panahon para dukutin. Maaaring may kinalaman din ang mga taong nasa likod ng pagpatay ng riding-in-tandem sa kanyang ka-TODA noong September 30.

Gaya ng kumakalat na isyu sa kaliwa’t kanang pagkawala ng ilang mga kabataan, posibleng may iba’t ibang dahilan o motibo ito.

Gayunpaman, dapat magkaroon na ng pagkukusa ang NCRPO o ang buong PNP na imbestigahan ang mga insidente ng pagdukot at pagkawala ng mga kabataan sa Metro Manila (kung meron man).

Oras na para buksan ang mata ng publiko sa totoong nangyayari sa paligid. Magpakalat na dapat ng babala at pag-iingat sa publiko para maiwasang mabiktima ng mga sindikato, kung sila man ay totoo.

Mga boss, habang wala pang opisyal na pahayag ang kapulisan tungkol sa isyu ng sunud-sunod na pagdukot, simulan na natin sa sarili natin ang pag-iingat. Maging alerto at umiwas sa BITAG ng mga sindikato.

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with