^

Punto Mo

Mga kasambahay, makatatanggap ba ng 13th month pay sa ilalim ng batas?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Namamasukan pong kasambahay ang aking kapatid. Naikuwento ko po sa kanya ang natanggap kong 13th month pay at iba pang mga bonus ngayong buwan. Nabanggit po niya na wala pa siyang natatanggap na kahit 13th month pay man lang mula sa kanyang amo. Ganoon daw ang nangyari noong isang taon kaya nangangamba siyang wala na naman siyang 13th month pay ngayong taon. Hindi kami sigurado kaya gusto po sana naming itanong kung may karapatan ba ang mga kasambahay sa 13th month pay.--Ali

Dear Ali,

May karapatan ang ating mga kasambahay sa 13th month pay alinsunod sa Republic Act No. 10361 o Batas Kasambahay. Malinaw na nakasaad sa Section 25 ng nasabing batas: “The domestic worker is entitled to a thirteenth month pay as provided for by law.” Ibig sabihin ay may karapatan ang mga kasambahay na makatanggap ng 13th month pay katulad ng ibang empleyado.

Nakasaad naman sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Batas Kasambahay kung magkano ang matatanggap na 13th month pay ng mga kasambahay.

Ayon sa Section 8, Rule IV ng nasabing IRR ay hindi bababa sa katumbas ng 1/12th  ng kabuuang sahod na natanggap sa nakaraang taon ang matatanggap na 13th month pay ng isang kasambahay. Kaya kung nakabuo ng 12 buwan na serbisyo ang kasambahay ay katumbas ng isang buwang sahod ang kanyang magiging 13th month pay. Nakalagay rin sa IRR na kailangang isang buwan nang namamasukan ang kasambahay para makatanggap siya ng 13th month pay.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

 

vuukle comment

13TH MONTH PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with