EDITORYAL - Total ban sa paputok, nararapat na
EDITORYAL - Total ban sa paputok, nararapat na
(Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

DALAWAMPUNG araw na lamang at maghihiwalay na ang taon. Ngayon pa lang, mayroon nang maririnig na putok sa ilang mga lugar na nagpapahiwatig sa pagsalubong sa 2020. May makikitang mga bata na nagpapaputok ng piccolo. Kahit pa nag-utos si Presidente para sa regulasyon at pagkontrol sa mga malalakas na paputok, marami pa rin ang gumagawa at nagbebenta. Kaya ang Executive Order No. 28 na nilagdaan noong Disyembre 2017 ay hindi rin nasusunod. Walang epekto sapagkat patuloy ang paggawa at pagbebenta. At maaaring patuloy din ang pagpasok sa bansa ng mga imported na paputok gaya ng piccolo.

Ang pagkilos ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga malalakas at mapaminsalang paputok ay nararapat paigtingin. Kung hindi sila kikilos, tiyak na marami na naman ang masusugatan, mabubulag, mapuputulan ng daliri at kamay dahil sa mga mapaminsalang paputok. Dahil din sa mga paputok kaya nagkakaroon ng mga sunog at iniiwang abo ang mga kabahayan. Hindi dapat hayaan ang mga paputok na ito na sirain ang papasok na taon.

Kabilang sa mga malalakas na paputok na ipinagbabawal ay ang Judas Belt, Superlolo, Bawang, Goodbye Earth, Goodbye Philippines at Sawa. Nakapagtataka naman kung bakit hindi isinama ang piccolo. Dapat rebyuhin ang EO 28 at isama ang piccolo sa mga delikadong paputok.

Noong nakaraang taon, mula Disyembre 24-31, umabot sa 24 na bata ang naitalang nasugatan dahil sa piccolo. May mga naputulan ng daliri at may nabulag.

Marami nang paputok ang ipinagbabawal sa ilalim ng EO 28 pero patuloy pa rin ang paggawa at pagbebenta ng mga ito kaya ang resulta, marami pa rin ang nadidisgrasya. Hindi maabot ang “zero casualty”. Marami pa ring isinusugod sa ospital sa bisperas ng Bagong Taon. Bagama’t bumaba ang bilang ng casual­ties noong nakaraang taon dahil sa EO 28, hindi pa rin masasabing tagumpay laban sa paputok.

Pinakamainam kung ipagbabawal nang tuluyan ang lahat nang uri ng paputok. Tanging mga pailaw ang hayaang ibenta. Magkaroon  din naman ng de­signated fireworks display sa isang lugar para doon na sama-samang magsisipagsaya ang mga residente.

 

PAPUTOK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with