Kaso ng kidnapping at ang nagsulputang POGO
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Nagkakasunod-sunod ang insidente nang pagdukot  sa mga  Chinese sa  kanilang mga kababayan.

Karamihan sa mga sinasabing biktima kung hindi nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), eh nalululong sa sugal.

Kamakalawa isa na namang babaeng Chinese ang biktima ng pagdukot sa Makati City,  kamakalawa na nakunan pa ng video.

Batay sa video na kumalat sa social media makikita rito ang isang nagpupumiglas na babae na humihingi ng tulong habang kinakaladkad  ng tatlong  lalaki at isinakay sa isang gray na van .

Ang biktima ay sinasabing empleyado ng POGO base sa passport  nito. Sinasabi ring mga Chinese national ang sangkot sa pagdukot.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

Sa Las Piñas, nasagip naman ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group ang dalawa ring Chinese na kapwa online casino worker din. Isa ang nadakip sa nasabing operasyon.

Halos linggu-linggo ilang insidente ng pagdukot ang nagaganap. Nadadalas ang ganitong kahalintulad na  insidente nang pagdukot ng mga Chinese suspects sa kanilang mga kababayan.

Ito ay nagsimula nang magsulputan sa bansa ang POGO.

Hindi nga ba’t  kamakailan lamang pansamantalang itinigil ng Makati City ang pag-iisyu ng bagong business permits sa POGO firms.

Karamihan sa mga nagtatrabaho sa POGO firms na ito ay mga dayuhan, tapos sila -sila pa ang nagkikidnapan.

Dumadagdag pa sa problema at pagtaas ng krimen sa bansa.

Ang tanong pa rito, ang mga POGO bang ito eh nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Kung kumikita man ang pamahalaan o mga lokal na pamahalaan na nagbibigay ng permit sa mga ito, at6 ang kapalit naman eh pagtaas ng mga krimen partikular nga ang mga kidnapping sa kanilang mga lugar,  aba’y ito ang ang dapat na mabalanse at masusing mapag-aralan.

Eh hindi rin halos ito nakakatulong para mabigyan ng trabaho ang ating mga kababayan dahil sila- sila lang ang nagpapatakbo rito. Sila -sila lang ang nakikinabang pero dumadagdag pa sa problema ng bansa.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with