Sugar Mommy (232)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

SI Sammy na naman ang inarkila ng dalagita para ihatid ang mga saging sa palengke sa bayan. Tama ang sinabi ni Sammy na maaaring arkilahin uli siya. Tama rin ang pasya nito na sa labasan na lamang maghintay para mada­ling makita ng dalagita in case na aarkilahin uli.

Mahusay si Sammy, nasabi ni Jericho sa sa­rili. Napo-forecast nito ang maaaring mangyari.

Nakita ni Jericho na ikinarga na ni Sammy ang mga saging sa traysikel. Halos mapuno ang traysikel sa dami ng saging. Tiyak na mala­king pera ang mapagbebentahan sa mga saging na pinaghalong saba, lakatan at latundan.

Nang maikarga na lahat ang saging, umangkas na ang dalagita sa likuran ni Sammy.

Maya-maya, umalis na sila.

Nang makaalis na si Sammy at dalagita, pumasok na si Jane sa loob ng magandang kubo.

Inabangan ni Jericho kung lalabas pa ito pero hindi na. Baka nagpapahinga. Napagod marahil sa pagtiba ng mga saging.

Ganunman, naghintay pa rin si Jericho.

Makalipas ang isang oras na paghihintay, narinig niya ang ugong ng traysikel ni Sammy.

Nang mapalapit, nakita niya na nakaangkas pa rin ang dalagita sa likod at sa loob ay may nakita siyang isang sako ng bigas.

Nang tumigil ito sa harap ng kubo, lumabas si Jane at kinausap si Sammy. Mukhang may ipinakikiusap dito habang itinuturo ang sako ng bigas.

Ipinabubuhat kay Sammy ang bigas papasok sa bahay!

Natuwa si Jericho sapagkat makakapasok din sa loob si Sammy!

(Itutuloy)

 

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with