^

Punto Mo

EDITORYAL – Tunay na bayani

Pang-masa
EDITORYAL � Tunay na bayani

KARAMIHAN ng pulis ay nasasangkot sa drug recycling. Malaki kasi ang kinikita nila rito. Ganito ang ginawa ng mga tauhan ni dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde noong 2016. May mga pulis din na sangkot sa pagkidnap at pagpatay gaya ng ginawa sa Korean businessman na si Jee Ick-joo noong 2016 na sa loob pa ng Camp Crame isinagawa ang krimen. May mga pulis na kinokotongan ang mga nahuhuli nilang drug suspect. Pinatutubos ang nakumpiskang shabu.

Marami pang kasamaan na ginagawa ang mga pulis kaya naman masyadong mababa na ang pagtingin ng mamamayan. Wala na silang tiwala sa mga pulis. Ngayon, kapag nakita nila ang pulis, kakaiba na ang iniisip at ang iba naman ay natatakot. Epekto ito ng mga ginawang kasamaan ng mga pulis. Mahirap makalimutan ang kanilang ginawa dahilan para lalo pang bumaba ang pagtingin ng mamamayan.

Pero sa kabila ng mga ipinakikitang kasamaan, mayroon pa rin namang pulis na nagpapakita ng kabayanihan na hindi mapapantayan. May pulis pa rin na iniaalay ang buhay para mailigtas ang kapwa.

Isa rito si Master Sgt. Jason Magno na ang kabayanihan ay naging usap-usapan at nag-viral sa social media ilang linggo na ang nakararaan. Namatay si Magno makaraang masabugan ng granada na inihagis ng isang lalaki sa Initao College sa Misamis Oriental noong Nobyembre 28.

Isang lalaki na nagngangalang Ibrahim Bashir ang pumasok sa Cenro office na katabi lamang ng compound ng Initao College. Hawak ng suspect ang granada na wala nang pin. Sa takot ng staff ng Cenro tinawag ang mga pulis na sina Magno at MSgt Alice Balido. Nagresponde ang mga pulis. Si Magno ang nakipag-agawan sa granada na hawak ni Bashir. Pilit niyang inaagaw para hindi pumutok subalit nabitawan ito. Dinapaan ni Magno ang granada at sumabog. Namatay si Magno, ganundin ang suspect. Labing-anim na iba pa ang nasugatan. Ayon sa report, kung hindi nadapaan ni Magno ang katawan, maaa-ring marami pang estudyante ang namatay.

Nararapat gawaran ng mataas na pagkilala si Magno at ganundin si Balido na mga unang tumugon at hindi natakot tumulong. Sila ang mga tunay na bayani na iniaalay ang buhay.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with