^

Punto Mo

Artwork na gawa sa saging na nagkakahalaga ng $120,000, kinain lang ng isang ‘gutom’ na artist

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG performance artists ang gumawa ng kontrobersiya sa isang art show sa Florida nang kainin niya ang isang artwork doon na naging laman ng mga balita kamakailan lang.

Kinain ni David Datuna ang likhang sining na pinamagatang “Comedian” na ginawa ng Italian artist na si Maurizio Catellan at binubuo lamang ng isang pirasong saging na naka-duct tape sa pader.

Naging kilala ang “Comedian” hindi lamang dahil sa gawa lamang ito sa isang pirasong saging, kundi pati na rin sa presyo nitong $120,000 (katumbas ng P6 milyon) matapos itong bilhin ng isang kolektor.

Ngayon ay naging laman na naman ng balita ang artwork matapos alisin ni Datuna ang saging mula sa pagkaka-duct tape nito at kainin ang saging sa harap ng mga taga-masid ng art show.

Ayon naman sa isang kinatawan ni Catellan, hindi naman nasira ang likha ng Italian artist dahil isa itong ideya at pinapalitan naman talaga ang saging kapag ito’y nabubulok na.

vuukle comment

MAURIZIO CATELLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with