^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaso ng dengue patuloy sa pagdami

Pang-masa
EDITORYAL - Kaso ng dengue patuloy sa pagdami

PAGKATAPOS bayuhin ni Bagyong Tisoy ang Bicol Region at Southern Tagalog provinces noong nakaraang linggo na nag-iwan ng 17 patay at pagkasira nang maraming bagay at ari-arian, ang pagdami naman ng kaso ng dengue ang pinangangambahan ngayon sa mga naapektuhang lugar.

Binaha ang maraming lugar sa Sorsogon kung saan unang nag-landfall ang Bagyong Tisoy. Sinalanta rin ang Albay at mga probinsiya sa Southern Tagalog kabilang ang Marinduque, Romblon, Oriental at Occidental Mindoro at Batangas. Maraming bahay ang nawasak sa Pinamalayan, Oriental Mindoro at dalawa ang iniulat na namatay. Umapaw rin ang mga ilog sa nasabing bayan.

Dahil umapaw sa baha ang mga sinalantang lugar, magiging breeding ground ito ng mga lamok. Sa kasalukuyan, may mga lugar na mayroon pang tubig-baha lalo ang mga nasa mabababang lugar.

Ang mga tubig na naipon ang paboritong pangitlugan ng mga lamok na Aedes Aegypti na naghahatid ng dengue. Mabilis lang magparami ang mga lamok. Bukod sa mga tubig-baha na nasa kalsada, nangingitlog din ang mga lamok sa mga basyong bote, sirang planggana, gulong ng sasakyan, bao ng niyog, plorera, at mga basurahan. Mabilis mabuhay ang mga kiti-kiti kahit sa kaunting tubig lang. Puwedeng mabuhay ang mga kiti-kiti kahit sa tubig na nasa tansan.

Sa report ng Department of Health (DOH)-Epide­miology Bureau, umabot na sa 402,694 kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Nobyembre ng taong ito at 1,502 katao na ang namatay.

Nakakatakot ang biglang paglobo ng dengue at tiyak na darami pa dahil sa pananalasa ng Bagyong Tisoy. Marami pa naman ang natakot sa bakuna dahil sa Dengvaxia controversy kung saan marami umanong bata ang namatay. Hindi na pinayagan ng pamahalaan ang kontrobersiyal na bakuna na ginamit noong 2016.

Mahalaga ang kalinisan sa kapaligiran at maging sa loob ng bahay para maiwasan ang dengue. Sirain o itapon ang mga posibleng pangitlugan ng lamok. Kapag nakita ang sintomas ng dengue sa mga anak, dalhin agad sa ospital. Huwag nang ipagpabukas pa sapagkat malagay sa peligro ang buhay ng mga anak. Ang mga sintomas ng dengue ay lagnat na tumatagal ng 1 linggo, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo at kasu-kasuan, at pagsusuka.

 

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with