^

Punto Mo

Sugar Mommy(230)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AKALAIN mo Sammy, itong pagkikilala natin ay magkakaroon nang magandang resulta. Sino ang mag-aakala na sa hinaharap ay magkakasama tayo sa Saudi, ha-ha-ha!’’ Tuwang-tuwa si Jericho habang tinatapik sa braso si Sammy na noon ay hindi rin makapaniwala.

“Kaya tulungan mo akong matupad ang misyon kay Jane para pagbalik ko sa Riyadh ay kasama na kita. Kapag natapos nang maaga, isasama na kita para mayroon ka nang trabaho.’’

“Oo Jericho, tutulungan kita. Kapag inar­kila uli ako e tatalasan ko ang taynga para may masagap akong inpormasyon kay Jane. Ako ang bahala. Kahit nga hindi ka na magsubaybay o magmanman kay Jane at ako na lamang ang gagawa ng paraan para may makuhang info.’’

“Gusto ko pa ring magmanman, Sammy. Alam mo ang gusto kong mangyari, sana ay makapasok ka sa bahay ni Jane. Pero paano mo kaya magagawa yun? Mukhang mahirap mangyari ang naiisip ko.’’

Nag-isip si Sammy.

“Mukhang mahirap nga. Bihira na ang nagpapapasok sa bahay lalo na’t hindi kilala.’’

Napakamot sa ulo si Sammy.

Mukhang mahihirapan siya sa pinagagawa ni Jericho.

‘‘Makakapasok ako roon kung hindi sinasadya ay may ipakikiusap si Jane na may bubuhating mabigat o kaya ay may ipaaayos na nasirang appliances kaya.’’

‘‘Mahirap yata itong naiisip kong ipagawa sa’yo. Parang imposible ang gusto kong mang­yari.’’

‘‘Gagawa ako ng paraan, Jericho. Malay mo bukas e arkilahin uli ako at biglang mayroong iutos sa akin. Basta gagawa ako ng paraan. Huwag kang mag-alala.’’

“Salamat Sammy. Basta sigurado nang may trabaho ka kapag natapos ang misyon.’’

Nag-thumbs up si Sammy.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with