13th month pay, kinakaltasan ba ng buwis?
DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

Dear Attorney,

Gusto ko lang po sanang malaman kung makakaltasan pa po ba ng buwis ang matatanggap kong 13th month pay ngayong Pasko? Kaka-graduate ko pa lang kasi at ngayon pa lang po ako nagkatrabaho. May balak kasi akong pagkagastusan kaya gusto ko sanang masigurado kung magkano ba ang matatanggap ko. --Mel

Dear Mel,

Isa ang 13th month pay sa mga exempted sa mga buwis sa ilalim ng Section 32B, Chapter VI ng National Internal Revenue Code ngunit ang exemption na ito ay limitado lamang sa halagang itinakda ng batas.

Sa ilalim ng TRAIN law ang 13th month pay ay bubuwisan kung lalabis sa Php 90,000 ang 13th month pay ang matatanggap ng empleyado. Ang buwis ay ipapataw sa halagang labis sa Php 90,000 kaya kung Php 100,000 ang 13th month pay mo, Php 10,000 lang ang papatawan ng buwis dahil ang Php 90,000 nga ay exempted sa ilalim ng batas.

Nais ko lang din idagdag na kung makakatanggap ka ng bonuses bukod sa 13th month pay ay bibilangin ang mga bonuses sa Php 90,000 limit na itinakda ng batas. Kung sakaling ma-ging higit sa Php 90,000 ang pinagsamang 13th month pay at mga bonuses na natanggap mo, papatawan ng buwis ang halagang lalabis sa Php 90,000.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice rito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

13TH MONTH PAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with