Sugar Mommy (228)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

MASKI nang nakauwi na sa bahay ay ang tungkol pa rin sa pag-arkila kay Sammy para magdala ng mangga ang topic ng dalawa.

“Bakit ikaw ang naarkila, Sammy?’’

“Kasi’y nandun ako sa pinaghihintayan sa’yo. Maaga akong dumating kahit hindi ka pa nagti-text. At bigla nga akong tinawag ng dalagita at nakiusap kung puwede ako maarkila. Pumayag ako.’’

 “Ngayon ka lang ba naarkila para magdala ng mangga?’’

“Oo.’’

“Saan mo dinala ang mangga?’’

“Sa palengke. Meron na pala silang tindahan na pinagdadalhan doon. Marami ring pinagbentahan ang dalagita. Nakita ko dahil ako rin ang sinakyan ng dalagita pauwi. Nagpahintay sa akin.’’

“Wala ka namang ibang nalaman mula sa dalagita?”

“Meron.’’

“Ano?’’

“Tinanong ko kasi kung sino ang pumitas ng mga mangga at ang sagot ay si Tita Jane niya. Masipag daw talaga ang tita niya.’’

“Ano pa ang nalaman mo?’’

“Meron pa raw silang ipahahakot pero baka sa isang linggo.’’

“Ano raw yun?’’

“Hindi sinabi. Pero sabi ko, ako na lang ang hahakot.’’

“Pumayag naman.’’

“Mabuti ang ginawa mo, Sammy. Mayroon kang malalaman ukol kay Jane.”

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with