^

Punto Mo

Aking doktor…kanyang doktor

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG nanay ko ay may doktor sa bansang kinaroroonan niya. Ngunit kapag nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas, sa doktor ko siya dinadala dahil pareho lang kami ng medical condition.

Noong isang taon na narito siya ay kinailangan kong dalhin siya sa aking doktor dahil ang presyon niya ay consistent na mataas. Nag-aalala ako dahil 83 years old na siya. Nang kaharap na ang aking doktor ay iprinisinta ng aking ina ang iniresetang mga gamot ng kanyang doktor. May iba pa kasi siyang gamot bukod sa alta presyon. May gamot siya sa sikmura na ipinaiinom sa kanya araw-araw.

Malalim na nag-isip ang aking doktor. Tapos nagpaliwanag siya sa aking ina. ‘Yun palang gamot sa sikmura ay dapat lang inumin kung may nadadamang sakit at hindi dapat inumin araw-araw. May koneksiyon ang pag-inom niya araw-araw ng gamot na iyon kung bakit hindi bumababa ang kanyang presyon. Isa pang dahilan, mahigit nang 10 taon iniinom ng aking ina ang gamot niyang pang-alta presyon kaya pinalitan na ito ng aking doktor. Minsan daw, sa sobrang tagal na iniinom ang isang gamot, nagi-ging mababa na ang effectiveness nito.

Unti-unting bumaba ang blood pressure ni Nanay hanggang sa maging normal. Pagbalik niya sa ibang bansa ay kinailangan niyang magpa-monthly check-up sa kanyang doktor. Naasar ito nang malamang binago ng doktor sa Pilipinas ang gamot na inireseta niya. Magkaganoon pa man ay hinayaan na ng kanyang doktor na inumin ang kanyang bagong gamot sa alta presyon. Hindi ipinagtapat ng aking ina na hindi na niya iniinom araw-araw ang gamot sa sikmura dahil nag-aalala siyang maasar na ito nang tuluyan sa kanya. Mas malaki ang faith niya sa aking doktor kaysa kanyang doktor.

Simula noon naging normal na ang presyon niya at hindi na sumusumpong ang pananakit ng kanyang sikmura. Pero lately, tumaas na naman dahil wala nang mabiling gamot na reseta ng aking doctor kaya pinalitan ito ng kanyang doktor. Wala pa namang one week kaya maaga pa para husgahan na hindi effective  ang ipinalit na gamot. Dito pa lang, gusto kong paniwalaan na mas magaling ang aking doktor kaysa doktor ng aking ina.

vuukle comment

DOKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with