^

Punto Mo

Bagong world record: aso sa UK, nanganak ng 21 tuta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso sa United Kingdom ang nakapagtala ng bagong world record matapos manganak ng 21 tuta.

Ipinagmalaki ni Joanne Hine ang kanyang Great Dane and American bulldog cross na si Mary Jane (MJ) nang ipanganak nito ang halos dalawang dosenang tuta.

Sinabihan ang taga-Isle of Man na si Joanne na nasa anim hanggang walong tuta lang ang ipinagbubuntis ni MJ pero nang papalapit na ang panganganak nito ay napag-alamang mas marami pa ang iluluwal nito.

Ang Guinness World Record para sa pinakamaraming tuta na ipinanganak ay 24 na naitala noong 2004. Kinailangan nga lang ipanganak ang nasabing bilang sa pamamagitan ng caesarian section samantalang ang panganganak ni MJ sa mga tuta ay pulos natural o normal – kaya naman para kay Joanne, nakapagtala ng bagong world record ang kanyang alaga.

vuukle comment

JOANNE HINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with