^

Punto Mo

Ang pulang bag

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw habang naglalakad ang pulubi sa palengke ay may napulot siyang isang bag na kulay pula. Nang buksan niya ito ay may laman itong pera. Binilang ng pulubi ang pera at natuklasan niyang ito ay 10 libong piso. Bagama’t pulubi lamang, siya ay marangal na tao. Hindi niya ugaling umangkin ng mga bagay nang hindi sa kanya. Naisip niyang ireport ito sa pulis para sila ang humanap ng may-ari ng bag.

Patungo na siya sa presinto nang marinig niya ang isang babae na nag-iiyak habang nagtatanong sa bawat makasalubong kung may napulot silang pulang bag na may laman pera. Nangako pa ito na bibigyan niya ng pabuya ang magsasauli nito. Tinitigan ng pulubi ang pulang bag. Naisip niya na ang babae marahil ang may-ari ng bag kaya’t nilapitan niya ito.

“Manang, ito ba ang hinahanap mong bag? Napulot ko ito doon sa bandang isdaan.”

Pahablot na kinuha ng babae ang bag.

“Oo, akin nga ‘yan.”

Hindi man lang pinasalamatan ang pulubi. Sa halip ay binilang agad ang perang nasa bag. Matapos bilangin ay umalis agad ito. Hinabol siya ng pulubi.

“Manang narinig ko kanina na bibigyan mo ng pabuya ang magsasauli ng iyong bag at pera. Nasaan ang pabuya mo sa akin?”

“Wala akong ibibigay sa iyo dahil kulang ang perang narito sa aking bag. Ang laman nito kanina ay 20 thousand. Kinuha mo siguro ang 10 thousand kaya wala ka nang karapatang humingi ng pabuya. Kung magpupumilit ka pa, irereport kita sa pulis.”

“Pulubi lang ako at hindi magnanakaw kaya halika, samahan pa kita sa pulis at doon natin pag-usapan ang ibinibintang mo sa akin” sabay hawak sa braso ng babae at hinila ito hanggang sa presinto.

Isa-isang pinagpaliwanag ng pulis ang pulubi at babaeng may-ari diumano ng bag. Matapos pakinggan ng pulis ang kuwento ng dalawang nagrereklamo, ito ang kanya naging pasya:

“Naniniwala akong totoong napulot ng pulubi ang bag at wala siyang kinupit na pera sa bag. In the first place, kung siya ay hindi matapat na tao, itatago na lang sana niya ang lahat ng pera sa bag at hindi na mag-iisip na ireport ito sa pulis o isauli ito sa tunay na may-ari.

Naniniwala rin ako na totoong nawalan ng bag si Manang. Ngunit hindi sa kanya ang bag na napulot ng pulubi dahil ayon sa kanya ay 20 thousand ang nawawala sa kanya. Maliwanag na 10 thousand lamang ang napulot ng pulubi kaya hindi si Manang ang tunay na may ari ng bag.”

Nagpasya ang pulis na ipatago ang 10 thousand sa kanilang parish priest. Kung walang aangkin sa 10 thousand, ito ay ibibigay sa pulubi para gamitin sa kanyang pangangailangan. Iyon din ang naging tulay upang mahanap ng mga pulis ang pamilya ng pulubi. Napag-alaman nilang naglayas lang ito dahil nagtampo sa mga kapatid.               

vuukle comment

KULAY PULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with