BOratoNG, mabagsik pa sa bagyong Yolanda!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 4, 2019 - 12:00am

PARANG bagyong Yolanda si alyas BOratoNG nang duma­ting sa kaharian ni Central Visayas director Brig. Gen. Val de Leon. Kung sa Yolanda, dapa at warat ang lahat nang madaanan kaya gutom ang inabot ng mga residente sa Samar at Leyte, ganundin ang nangyari sa Central Visayas. Halos lampas sa 5,000 katao ang namatay sa nabanggit na mga probinsiya, at kapag hindi pa kumilos si De Leon baka mamatay din sa gutom ang mga residente sa hurisdiksiyon niya dahil sa kalupitan ni BOratoNG at partner na si alyas Ronnie. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang sobrang katakawan nina BOratoNG at Ronnie sa pitsa sa pasugalan sa Central Visayas kaya ang apektado ay ang mga kabo at kubrador na wala nang ibang pagkakitaan. Get’s n’yo mga kosa? Abot langit kasi ang lingguhang hinihirit nina BOratoNG at Ronnie kaya nakasimangot ang mga gambling lords at siyempre kapag nagkataon magiging kararampot na lang ang porsiyento ng mga kabo at kubrador at presto.....wala na silang panghanda sa darating na Pasko. Araguuyyy! Bagyo rin ang dating ni De Leon kay Davao Mayor Inday Sarah at sana ‘wag itong gamitin nina BOratoNG at Ronnie na lisensiya para pahirapan ang taga-Central Visayas, di ba mga kosa? Nang dumalaw si Inday Sarah sa Cebu kamakailan, ni isang pulitiko ay wala itong kinausap at imbes ay si De Leon lang ang inatupag kaya ang pics nilang dalawa ay kumalat pa sa social media. Hak hak hak! Ayon sa kosa kong si Mr. Cruz ‘ata ‘yun, kaya bagyo kay Inday Sarah si De Leon dahil ang kapatid ng huli ay hepe ng public safety and security ng Davao City.

Kaya naman hinagpis at kalungkutan ang dala nina BOratoNG at Ronnie sa Central Visayas dahil hinaharabas nila nang husto ang mga gambling lords na hiningan nila ng Toyota Grandia para makapagpatuloy sila ng negosyo nila. Hindi lang ‘yan! Dati-rati dalawa lang ang butas ng RD subalit dinoble o ginawa pang apat ang butas nina BOratoNG at Ronnie kaya naghihingalo ang mga gambling lords at hindi nila maarok kung ano ang tumama sa kanila. Ang kinokolekta nina BOratoNG at Ronnie ay ang para sa RD, ang R2 o Intelligence Division nf PRO7, ang Regional Special Operations Group (RSOG) at nagtayo pa sila ng Regional Anti-Illegal Gambling (RAIG). Dati-rati R2 at RSOG lang ang me tangga sa illegal gambling kaya lumundag ang puwetan ng mga gambling lords sa kalufetan nina BOratoNG at Ronnie. At ang masaklap pa n’yan, ang demand nina BOratoNG at Ronnie ay pare-parehas ang tara ng apat na butas. Araguuyyyy! Hak hak hak! Parang gustong maging milyonaryo nitong sina BOratoNG at Ronnie sa isang iglap, di ba mga kosa? At ang nasisira ay ang tsansa ni De Leon na maging PNP chief. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Ang masama lang, hindi mga ilegal na pasugalan lang ang hinihingan ng lingguhang tara nina BOratoNG at Ronnie kundi pati ang mga operator ng Small Town Lottery (STL) na ikinabahala ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma. Araguuyyy! Kaya sa tingin ng mga kosa ko, sumisikip ang kalyeng dinadaanan nina BOratoNG at Ronnie. Abangan!

YOLANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with