^

Punto Mo

71-anyos na lalaki sa japan, arestado matapos tumawag sa phone company ng 24,000 beses para magreklamo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ARESTADO ang isang Japanese pensioner matapos niyang tawagan ang isang phone company ng 24,000 beses para magreklamo na hindi nila sinunod  ang kanilang napagkasunduang kontrata.

Ayon sa Tokyo police ay inaresto nila ang 71-anyos na si Akitoshi Okamoto noong nakaraang linggo matapos niyang walang tigil na tawagan ang kompanyang KDDI sa loob ng 8 araw.

Tumatawag diumano si Okamoto mula sa public pay phones hindi lamang para magreklamo kundi pati na rin upang insultuhin ang mga customer service staff ng kompanya. Madalas pa raw niyang babaan ng telepono ang mga ito.

Gusto rin daw ni Okamoto na puntahan siya ng KDDI staff at personal na humingi ng paumanhin sa kanya para sa hindi nila pagsunod sa kontrata.

Inaresto si Okamoto para sa kasong “fraudulent obstruction of business” o pang-aabala sa isang negosyo ayon sa tagapagsalita ng mga pulis.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with