Pinaka-premature na kambal sa mundo, nagdiwang na ng unang birthday
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

PARA raw sa isang doktor ay himala raw na maituturing pagdiriwang ng unang kaarawan ng kambal na sina Keeley at Kambry Ewoldt, ang sinasabing pinaka-premature na mga sanggol nang sila’y ipinanganak.

Ito ang masasabi ni Dr. Jonathan M. Klein, director ng NICU sa pagbi-birthday ng kambal, na pawang ipina-nganak matapos lamang ng 155 days sa sinapupunan o humigit-kumulang na 5 buwan.

Nang isilang, wala pang kalahating kilo si Keeley na nasa 490 gramo lamang ang timbang. Ngunit mas magaan pa sa kanya ang kakambal na si Kambry na nasa 379 gramo. Sa sobrang liit ng katawan ng dalawa, kailangan pa raw gumamit ng magnifying glass para lamang makita ang kanilang mga kuko.

Ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang dalawa, na nagawa nang makalabas ng ospital at makapagdiwang ng kanilang unang birthday sa kanilang tahanan.

 

KAMBRY EWOLDT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with