Ang lifetime passport ni Lapid para sa 60-anyos pataas
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

MALAKING tulong at ginhawa sa mga senior citizens ang itinutulak na panukalang batas ni Senator Lito Lapid na gawing lifetime ang validity ng mga passports nila. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Senator Lapid pa ang nakaisip ng mga bagay na ito.

Iba talaga ang mga ‘Guerrero!’ Matutuwa ang mga senior citizens kapag ipinasa ang panukalang batas ng mga senador.

Sa Senate Bill 1197 o ang  “Lifetime Passports for Senior Citizens Act,” dapat lang bigyan sila ng ganitong klaseng pabor dahil hindi biro ang iniambag ng mga senior citizens hindi lang sa kanilang family kundi maging sa Sambayanan.

Ano sa palagay ninyo? Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapakanan ng mga senior citizens na bigyan dila ng kaginhawaan tulad ng mga naipasa ng mga batas na express lanes sa kanila sa mga government offices, establhisments, at 20% discount sa mga gamot, psgkain, pamasahe sa eroplano, barko, tren, jeep at bus.

Ikinatuwa na ito ng mga matatanda dahil para sa kanila ay malaking bagay ito na ipinagkaloob ng gobierno sa kanila. Sana ay maipatupad sa lalong madaling panahon ang pangarap ni Lapid sa mga 60 years old up na mabigyan sila ng lifetime Philippines my Philippines passports. Huwag natin pagkaitan ang mga senior citizens lalo’t naglalakad pa sila. Sabi nga, enjoy life !Abangan.

• • • • • •

Boss Digong natuwa at napaindak sa 30th SEA Games opening ceremony

Tuwang-tuwa si Boss Digong ng masaksihan niya kasama si Brunei’s Sultan at Prime Minister Hassanal Bolkiah sa opening ceremony ng 30th SEA Games, last Sunday. Sabi nga, napapaindak pa si Boss Digong at pakaway-kaway pa sa madlang people habang masayang pinagmamasdan ang mga foreign athletes kabilang siempre ang mga pambato ng Philippines my Philippines.

Pinuri ni Boss Digong ang mga organizers, performers at volunteers na nasa likod ng gimik este mali pagtatanghal pala. Hindi lang si Boss Digong kundi pati si Bolkiah ay masaya rin sa kanyang napanood at tila gustong gahayin ang opening ceremony ng SEA Games.

Nagbigay pugay si Boss Digong sa mga atleta kaya naman nagsisigawan ang ating mga kababayan at halos lahat ng madlang people sa Philippine Arena noong mga oras na kaligayahan.

Sabi nga, nang mga oras na ‘yon walang kritiko ang nagsalita sa nakita nilang ganda at saya ng seremonya. Ika nga, mapa-administrasyon o oposisyon, bata o matanda, bakla o tomboy, may ngipin o wala, maganda o pangit basta lahat sila ay halos nagtatalunan sa tuwa dahil sa ganda ng ipinamalas ng organizers sa kanilang opening ceremony.

Dapat lang !. Bumida pa sa entablado ang matitikas na 8 sporting legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thompson, Paemg Nepomuceno, Onyok Velasco at Efren ‘Bata’ Reyes.

Kaya naman ang balita ay dumadagundong sa Singapore sa ipinamalas na pagbubukas ng palaro. Ika nga, ikunuento sa The Strait Times na dyaryo sa Singapore ! Kaya tuloy sa 1st day of competition ay nakapagtala na ng 23.gintong medalya ang mga pambato ng Philippines my Philippines.

Sabi nga, umalagwa agad ang mga ito at inaasahan na tayo ang over-all champion !

LITO LAPID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with