^

Dahil sa matinding trapik sa Indonesia, lalaki gumawa ng homemade helicopter

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 2, 2019 - 12:00am

ISANG lalaki sa Indonesia ang nagpasyang gumawa ng personal na solusyon sa problema ng matinding trapik doon sa pamamagitan ng paggawa ng isang homemade helicopter.

Ginawa ni Jujun Junaedi ang helicopter sa mismong bakuran ng kanyang tahanan sa tulong ng mga instruction videos. Umaasa siyang ito ang makatutulong sa kanya para makaiwas sa mabigat na trapik sa kanyang bayan na Sukabumi.

Sawang-sawa na raw kasi siya sa nasasayang niyang gas at oras kapag naiipit siya sa trapik sa kanilang lugar.

Gawa ang helicopter mula sa mga piyesang kinuha niya mismo sa kanyang auto-repair shop. Tinatayang nasa 30 million rupiah (katumbas ng P105,000) na raw ang nagagastos niya rito.

Hindi pa nakakalipad ang helicopter ngunit ayon kay Jujun, masaya na siya basta’t makaangat ito mula sa lupa.

HELICOPTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with