^

Punto Mo

Iwasang pabigatin pa…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG tamang salita ay nakakagaan ng pakiramdam ngunit nakakasugat ng damdamin ang palpak na pagbati. Kung ikaw ay isang kaibigan o kakilala ng breast cancer victim, huwag mong gagawin o sasabihin ang mga sumusunod:

1. Huwag kang magkokomento ng: “Mukha kang walang sakit”. Ayon sa mga psychologist na nag-interview sa ilang cancer victim, ito raw ang isa sa nakakairitang bati para sa kanila.

2. Huwag kang mang-iiwan sa ere. May mga kasong bigla na lang nawala ang mga kaibigan ng breast cancer victim nang kumalat ang balita tungkol sa kanyang sakit. Kasi raw ‘yung mga friends ay hindi malaman ang sasabihin o ire-react kapag nakaharap ang may sakit na kaibigan. Mas mainam na tawagan ang kaibigang maysakit at sabi-hing “Ikaw lagi ang iniisip ko, kaya lang ay hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo kapag nagkita tayo.”

3. Huwag silang kukuwentuhan ng mga nakakatakot na pangyayari.

4. Huwag magsasalita ng “Kaya next time, ingatan mo na ‘yang sarili mo” Tama na ang paninisi, tama na ang pangangaral. Nakakairita ‘yun. Pinaka-safe na bati: Kumusta ka na?

5. Huwag mong sabihin: “Okey lang ‘yan…kaya mo ‘yan” Lalo lang daw nakakabigat ng pakiramdam ang mga salitang iyon. Hindi mo alam kung paano mabuhay nang may mabigat na karamdaman.

vuukle comment

PABIGATIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with