Passport ng mga senior gagawing ‘lifetime’ ang validity

Malou Escudero (Pang-masa) - November 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang isinusulong ni Senator Lito Lapid na naglalayong gawing lifetime ang validity ng pasaporte ng mga senior citizen.

Sa Senate Bill 1197, na tatawaging “Lifetime Passports for Senior Citizens Act,” ay sinabi ni Lapid na pinapahalagahan ng gobyerno ang mga senior citizen na nakapag-ambag ng ma­laki sa kanilang pamilya at lipunan.

Ilan sa mga batas na naipasa na at mga polisiya para sa kapakanan ng mga senior citizen na may sariling express lanes sa iba’t ibang establisimiyento.

Layunin ng panukala ni Lapid na huwag nang pahirapan ang mga Filipino na may edad 60 pataas sa pagre-renew ng kanilang passports.

Ang pangangalaga sa mga senior citizen ay isang kaugalian na nakaukit na sa buhay ng pamilyang Filipino.

PASSPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with