^

Punto Mo

Suporta sa Pinoy athletes sa SEA Games, bumaha!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGSISIMULA na bukas ang 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Philippine Arena sa Bulacan kaya dapat magkaisa at magsama-sama na ang mga Pinoy para suportahan ang ating mga atleta imbes na magbangayan. Maging ang gobyerno ni Digong ay nanawagan ng ceasefire kaya sa mga keyboard warriors diyan, isantabi muna ang pulitika at personal na interes para hindi maging sagabal sa pakikipaglaban ng ating atleta sa sporting events nila. Tama lang na ang lahat ng shortcomings ng PHISGOC, kabilang na ang pagkain at billeting ng mga foreign athletes ay imbestigahan subalit pagkatapos na siguro ng SEAG sa Dec. 11, di ba mga kosa? Sinabi naman nina Albay Rep. Joey Salceda at 1-PacMan Rep. Mikee Romero na ang mga problemang sumulpot sa SEAG ay mga “isolated cases” lang at naresolba naman ng PHISGOC sa isang iglap lang. Araguuyyy! Maging si Sen. Manny Pacquiao, at ang mga lokal na atleta, ay nanawagan din na isantabi muna ang batuhan ng sisi dahil hindi ito makatutulong sa pag-usad ng SEAG kung saan ang mga pambato natin ay nagsimula nang sumabak. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kung sabagay, magkakaroon ng linaw dito kung saan talaga nagkamali ang PHISGOC sa imbestigasyon ni Digong, di ba mga kosa? May papel kaya ang delayed funding?

Ang nakakapagtaka, tayong host mismo ay nag-aaway sa kung anu-anong isyu sa SEAG samantalang ang mga foreign officials at athletes ay hindi pinapansin itong minor lapses dahil normal lang ito sa mga sporting events na libu-libo katao ang kasali. “It wasn’t ideal… but things happen. It’s time to move on and just focus on the soccer,” wika ni Cambodia head coach Felix Dalmas. Unang-una, ang problemang naranasan ay hindi naman kasalanan ng committee o ng mga hotel sa isang opisyal na salaysay ng Century Park Hotel Manila, na isa sa mga opisyal na tutuluyan ng players at delegado mula iba’t ibang bansa na dadalo sa Games. Ayon sa Century Park Hotel Manila, ang mga detalye ng nabagong time of arrival ng football team ay late na naipaalam sa mga organizer. Ang team ay dumating ng 4:00 a.m. sa NAIA. Sa kabila ng nabagong schedule, ang mga atleta ay agaran din namang nasundo at dinala sa Century Park Hotel, subalit ang hotel room nila ay hindi pa naihanda dahil sa standard check-in time na 2:00 p.m.“However, as early as 8:25 a.m., some members were given an early check-in due to availability of rooms,” wika ng hotel sa isang statement. Ngunit inalok naman ang team na gamitin ang hotel function rooms bilang temporary holding area matapos ang kanilang breakfast, at inasikaso rin sila kung kailangan pa nila ng karagdagang upuan. Hindi rin naman humingi ang team at minabuti nilang sa sahig na lamang daw sila upang makahiga. Araguuyyy! Hak hak hak! O hayan ha, malinaw na hindi ang organizers ang may kasalanan ng problemang ito.

Kung sabagay, mas mabigat ang problemang kinaharap ng mga atleta noong 2017 SEA Games sa Malaysia kung saan may naitalang insidente ng food poisoning, banggaan o aksidente ng sasakyan na may lulan ng mga atleta, pagnanakaw, delayed trips at controversial decisions ng mga referee. Subalit ang lahat ng ito ay hindi pinalaki sa social media o sa traditional na media. Abangan!

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with