^

Punto Mo

Panggigipit ng lending agency, inireklamo sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DATI, sa Bumbay kumakapit ang mga taong gipit. Pero ngayon, ang mga online lending na ang madalas takbuhan ng mga kababayan nating nangangailangan ng instant pera. Kung bilis lang din naman ang pag-uusapan, siguradong madali kang makaka-delihensiya. Kuwidaw, instant cash nga pero magugulantang ka sa laki ng tubo sa oras na bayaran.

Kamakailan, isang ginang ang lumapit sa aming tanggapan. Biktima raw siya ng modus ng isang online lending. Utang niya raw kasing P18,000, naging P71,000! Para kasi makapag-trabaho abroad ay umutang ito sa I-Cash Express Lending Corporation ng pambayad sa placement fee. Ang problema, hindi niya natapos ang kanyang kontrata sa ibang bansa.

Kaya naman pag-uwi niya rito, nahirapan siyang makahanap ng perang pambayad sa I-Cash. Laking gulat na lamang niya nang lumobo sa P71,000 ang utang niyang P18,000 kahit na isang buwan lang naman siyang na-delay sa pagbabayad. Ngayon ay ginigipit na siya ng lending company pati na ng collection agency na humahawak dito. Natatakot na tuloy ang pobre dahil sa panggigipit at pangha-harass ng lending company.

Minabuti naming hingin ang payo ng aming resident lawyer, Atty. Batas Mauricio. Ayon sa kanya, hindi katanggap-tanggap ang interes na hinihingi ng I-Cash sa ginang na nakautang sa kanila. Kahit na mayroong kasunduan ang nangutang at nagpautang, kung maliwanag naman na sobrang laki ang interes ay maituturing pa rin itong unconscionable interest ng Korte Suprema. Nakasaad din sa circular no. 799 series of 2013 ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kung walang kasunduan sa halaga ng babayarang interes ay automatic 6% lang ang tubong dapat ipataw ng nagpapautang sa loob ng isang taon.

Dagdag pa ni Atty. Batas, may kaukulang parusa sa ilalim ng Revised Penal Code ng Pilipinas ang paniningil na may halong panggigipit or unjust vexation. Lalo na kung nagdudulot na ito emotional distress. Ayon naman I-Cash Express Lending Corporation, bigyan sila ng pagkakataong maimbestigahan ang reklamo. Pabor ang BITAG dito para sa patas na pamamahayag at serbisyo publiko.

Luma na ang kasabihang “kapag nagipit, sa patalim kakapit” pero ang estilo ng patibong sa mga nagigipit, pabago nang pabago. Dumadami na parang mga kabute ito mga dorobong lending agency na ito,  na walang alam kundi pagsamantalahan ang pangangailangan ng iba. Etong mga ahensiyang ito ang target ng BITAG. Balewala ang mga batas na nakalatag para sa ganitong mga isyu kung ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dapat nagpapatupad nito ay kulang sa pangil! Kailangang pagtuunan ng pansin ito ng ahensiya ora mismo!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with