Pinakamalaking Christmas tree sa mundo na gawa sa plastic bottles, itinatayo sa Lebanon
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 28, 2019 - 12:00am

ISANG bayan sa Lebanon ang kasalukuyang sumusubok na magtala ng bagong Guinness World Record sa pamamagitan ng libu-libong plastic bottles na gagamitin nila sa pagtatayo ng isang dambuhalang Christmas tree.

Plano ng mga nakatira sa bayan ng Chekka na gumamit 120,000 recyclable water bottles para sa itatayo nilang Christmas tree, at ayon sa organizers ay nakakakolekta na sila ng 105,000 bote para sa kanilang plano.

Ang layon nila ay mahigitan ang dating world record na naitala sa Mexico nang itayo roon ang isang  Christmas tree na gawa sa 98,000 plastic bottles

Inaasahang aabot ng 95 talampakan ang Christmas tree na itinatayo sa Lebanon kapag ito’y nakumpleto.

Nakatakdang pailawan ang Christmas tree sa Disyembre 7.

CHRISTMAS TREE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with