^

Punto Mo

82-anyos na bodybuilder sa New York, nakipagsagupa sa nanloob sa kanyang bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGAWANG makipaglaban ng isang 82-anyos na body builder sa nanloob ng kanyang bahay sa New York.

Matutulog na sana si Willie Murphy noong Nobyembre 21 ng gabi nang marinig niyang may kumakalampag sa kanyang pintuan.

May lalaki palang kuma-katok na nagsabing may sakit siya at hiniling kay Murphy na tumawag ng ambulansiya.

Bagama’t sinunod ni Murphy ang pakiusap ng lalaki, hindi naman niya ito pinapasok. Marahil ay ikinagalit daw ito ng lalaki dahil may narinig na lang siyang ingay mula sa kanyang pintuan.

Winasak na pala ng lalaki ang pinto at tuluy-tuloy na pumasok sa bahay ni Murphy, na masuwerteng nakapagtago kaagad.

Nag-abang muna ng tamang tiyempo si Murphy bago niya binuhat ang isang lamesa at inihampas sa lalaki. Sa lakas daw ng hampas, nawasak ang lamesa mula sa pagkakahataw niya at bumagsak ang lalaki.

Mabilis niya itong sinunggaban at pinagpapalo ng walis. Nagkasugat-sugat ang katawan ng lalaki na dinala rin sa ospital.

Humanga naman ang mga rumespondeng pulis, na gusto pang magpa-selfie kay Murphy.

Hindi na nakapagtataka ang nagawa ni Murphy sa nanloob ng kanyang bahay. Kayang-kaya raw kasi ng matanda na magbuhat ng 225 pounds kapag ito ay nasa gym.

vuukle comment

WILLIE MURPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with