Pampalipas-oras
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - November 24, 2019 - 12:00am

MAY isang bagong gadget na inilalako sa kasalukuyan ng isang malaking television network na ikinakabit lang sa OTG-USB ng android na smartphone para mapanood ang mga palabas nito anumang oras. Hindi na rin gagamit ng data o wifi kaya hindi magastos. May kamahalan nga lang pero isang bilihan lang at walang babayarang buwanan. Tila target nito iyong mga bumibiyahe araw-araw papunta sa trabaho o eskuwelahan at pauwi o merong pupuntahang malayong lugar halimbawa. Maganda rin siyang pampalipas ng oras kung nasa mahaba kang pilahan o naipit ka sa mahabang trapik sa EDSA o South Luzon Expressway bandang Alabang o meron kang hinihintay na matagal dumating.  Hindi man nito masosolusyunan ang masisikip na daloy ng trapiko, naiibsan nito ang pagkainip o pagkabagot o pagkainis habang naiistranded ang isang tao sa kalsada nang maraming oras. Parang on-the-go version siya ng naunang produkto ng naturang network na TV Plus Box.

Karagdagan ito sa maraming nagkalat na mga makabagong pampalipas-oras at libangan sa kapaligiran gamit ang mga gadget na tulad ng smartphone at tablet o iPad o laptop na merong mga games, mga kanta at mga streaming video na nagpapalabas ng mga pelikula at TV show sa tulong ng internet.  Bukod pa siyempre sa pagbukas sa social media gaya ng Facebook at instagram o YouTube na kinahuhumalingan ng milyun-milyong mamamayan ng mundo.

Mga pampalipas-oras na kung hindi mababantayan o makokontrol ay posibleng magdulot ng tinatawag na sedentary lifestyle o klase ng buhay na hindi masyadong kumikilos ang katawan na siyempre ay masama sa kalusugan ng isang tao. Hindi naman masama ang ganitong mga libangan at pampalipas ng oras. Ang masama ay ang sobrang paggamit na dito na lang halos nauubos ang mga oras mo, madalas nakaupo at nakayuko at hindi gumagalaw ang katawan.

Kaya merong mga pumupuna sa maaaring maging negatibong epekto halimbawa ng mga  streaming service na nagpapalabas ng maraming mapagpipilian at tuloy-tuloy na iba’t-ibang pelikula at  TV show gamit ang internet. Walang komersiyal. Walang break. Nagbubunsod ito ng pagkababad ng isang tao sa panonood ng mga ganitong palabas nang maraming oras. Parang marathon movie na matagal kang nakaupo o nakahiga habang pinapanood mo ang isa o dalawa o tatlong palabas o mahigit pa. Nagtutulak ng sedentary lifestyle kung hindi magkokontrol sa sarili ang isang manonood.

Email: rbernardo2001@hotmail.com

 

 

 

PAMPALIPAS-ORAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with