^

Punto Mo

Taga-Australia at taga-New Zealand, nagpakasal sa mismong gitna ng kani-kanilang mga bansa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula New Zealand at isang lalaki mula Australia ang ipinagdiwang ang kanilang kasal sa gitna ng kanilang dalawang bansa habang nakasakay sa eroplano.

Nakasakay ang New Zealander na si Cathy Valliant at ang Australyanong si David Valliant sa Jetstar Flight 201 na biyaheng Sydney to Auckland nang sila’y ikasal habang ang eroplano ay nasa himpapawid at nasa mismong halfway point ng kani-kanilang bansa.

Isa sa mga Jetstar ground crew member ang nagkasal sa dalawa.

Nagpakasal ang dalawa sa eroplano dahil malaki raw ang naging papel ng nito sa kanilang relasyon – nagkita ang dalawa bilang manlalaro ng computer game na Airport City samantalang una silang nagkita ng personal sa Sydney airport matapos ang dalawang taon.

Isang kinatawan naman ng Jetstar ang nagpaliwanag na nasabihan naman ang ibang pasahero bago ang flight na may kukunan na kasalan sa eroplano at maari silang lumipat ng ibang eroplano ng walang dagdag na bayad kung ayaw nilang makuhanan ng camera.

 

 

 

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with