^

Punto Mo

Ginang, nagreklamo sa BITAG dahil sa educational plan na ‘di napakinabangan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY mga sumbong at reklamong labas na sa kakayahan ng BITAG na dumadating sa aming action center. I tell you, it’s really a big challenge for us.

Nangyayari, matatahimik ako sa harap ng mga complainant, mapapaisip kung bakit kami ang kanilang nilapitan. Kadalasan, sila yung mga biktima nang tinatawag na unexpected and uncontrollable situation.

Sinasabi ko sa sarili, Lord paano ko ba matutulungan ito, please give us ways, give us the wisdom. Kung ako lang, hindi ko agarang masosolusyunan ang kanilang problema.

Noong nakaraang Martes, isang ginang ang iyak ng iyak sa aking tanggapan. Dati siyang overseas Filipino worker at inirereklamo niya ang Loyola Plans Consolidated Inc. Taon 2005 nang kumuha siya ng educational plan para sa kanyang anak.

Makalipas ang 11 taon, nakakuha naman ng P100,000 ang ginang na pampaaral sa anak sa senior high school. Ang problema, ngayong magkokolehiyo na ang anak, wala pa raw pondo ang insurance company kaya hindi makapag-release ng pang-tuition.

Sino nga ba naman ang hindi mapapalahaw sa iyak kung 10 taon mong pinaghandaan ang kinabukasan ng iyong anak? Awang-awa ako sa ginang, lalo siyang nagiging emosyonal sa tuwing maaalala ang pagkabahala ng anak na di makapagkolehiyo. 

Pabalik-balik na rin ang pobreng ina mula Cebu patungong Maynila para lang asikasuhin ang pampaaral ng anak. Mother instinct, gagawin ang lahat para sa kinabukasan ng anak.

Ayon sa OIC ng Public Assistance and Mediation Division ng Insurance Commission na si Mrs. Ma. Lourdes Ramos, under conservatorship ang Loyola. Kailangang makabenta ng property ang kompanya para makalikom ng ipambabayad sa claimants.

Kung tutuusin, hindi ito ang uri ng serbisyo publiko ng BITAG. Indipendiyenteng organisasyon kasi kami, walang pondo ng pamahalaan o ng kung sinong pulitiko ang sumusuporta ng pinansiyal.

But, God is really good. May mga institusyong kumikilala, naniniwala at sumusuporta sa aming adbokasiya para makatulong sa kapwa.

Hindi nagdalawang salita ang BITAG sa AMA Education System. Binuksan nila ang kanilang pinto at agad na nagbigay ng 4-year course scholarship sa anak ng ginang. Sa pamamagitan ni Mr. Ferdie Sia, Vice President for Marketing, ay maaayos ang mga dokumentong dapat ipasa ng estudyante para makapag-aral ito nang libre sa AMA, Cebu.

Kudos sa pamunuan ng AMA sa ora mismong aksiyon na tumugon sa mga totoong tao na totoong nangangailangan tulong!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with