^

Punto Mo

Sugar Mommy (213)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IYON ang unang pagkakataon na nakasakay ng roro si Jericho. Kahit noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo, hindi siya nakasakay sa barko o maski malaking bangka para sa field trip dahil sa kakapusan ng pera. Kaya ngayong nakasakay na siya sa roro, aliw na aliw siya habang nasa upper deck ng barko dahil tanaw na tanaw niya ang kalmadong dagat. Asul na asul ang karagatan. Palibhasa’y tag-araw kaya maaliwalas na maaliwalas ang karagatan. Banayad na banayad ang pagtakbo ng barko. Parang hindi sila gumagalaw o umaalis sa kinaroroonan. Napakasarap ng pakiramdam habang may dumadamping malamig na hangin sa kanyang pisngi.

Sa pagkakaupo ay hindi naman niya maiwasang maisip ang namayapang asawa na si Maia. Siguro kung nakikita siya ni Maia, maiintindihan siya nito kung bakit nasa barko at naglalakbay patungo sa isang lugar na noon lamang niya mararating. Dahil sa isang babae kaya nais niyang magtungo sa Pinamalayan. Tama si Maia, hindi nga niya dapat ikulong ang sarili. Muli, naalala niya ang mga sinabi ni Maia noong ito ay nakaratay sa sakit na leukemia. ‘‘Maghanap ka ng babaing mahal mo at makakasundo. Bata ka pa. Huwag mong ikulong ang sarili. Kailangan mong lumigaya. Hindi ako magagalit kapag nagpakasal ka sa iba. Gusto ko, lumigaya ka Jericho. Mas masisiyahan ako kapag nakatagpo ka ng babaing mamahalin habambuhay. Ayaw kong malulungkot ka dahil walang kasama.’’

Pagkatapos ay napahinga nang malalim si Jericho. Noong una, parang hindi niya kaya na palitan si Maia. Kahit pa ito na mismo ang nag-utos na maghanap siya ng bagong mamahalin. Para sa kanya, walang makakapalit si Maia.

Pero ngayon, 1 taon ang makalipas makaraang mamayapa si Maia, tila nga tama ang asawa – kailangan din niyang lumigaya.

Iyon ang dahilan kaya patungo siya sa Pinamalayan. Hahanapin niya si Jane.

Nagulat si Jericho nang umatungal ang barko. Nasa Calapan port na sila.

Ilang sandali pa at nagbabaan na ang mga pasahero. Sumunod siya sa agos ng mga tao.

Hanggang sa humantong siya sa terminal ng mga van.

May sumisigaw ng ‘‘Pinamalayan! Pinamalayan! Aalis na!’’

Sumakay siya. Makalipas ang ilan pang sandali, umalis na ang van.

Hindi siya nainip. Nasa Pinamalayan na siya. Maaga pa siya nakarating. Pasado ala una ng hapon.

Sa tapat ng palengke siya bumaba. Maraming taong namimili. Hula niya tiyangge ng araw na iyon. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with