EDITORYAL – Igiit ng DOH ang 50% discount ng mga gamot
(Pang-masa) - November 21, 2019 - 12:00am

PUMAPALAG ang isang grupo ng pharmaceutical company sa nais ng Department of Health (DOH) na bawasan ng 50 percent ang presyo ng mga gamot para sa hypertension, diabetes at cancer. Sabi ng mga kompanya, sila na lamang ang bahalang magbawas ng presyo sapagkat hindi nila kontrolado ang presyo ng mga gamot para sa mga binanggit na sakit.

Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque III, maganda ang proposal ng grupo pero hindi siya nakatitiyak kung mabebenepisyuhan nito ang mga mahihirap na maysakit. Ang layunin ng DOH kaya ipinupursigi ang 50 percent discount ay para makinabang ang lahat nang nangangailangan. Ito rin umano ang gustong mangyari ni President Duterte na nakaayon sa Universal Health Care law.

Kung masusunod ang gusto ng DOH, marami ang makikinabang lalung-lalo na ang senior citizens. Noong nakaraang taon, tinapyasan ng gobyerno ang presyo ng mga gamot para sa hypertension at malaki ang naitulong sa mamamayan na may iniindang sakit gaya ng hypertension. Isa ang hypertension sa mga sakit ng mga Pilipino na dahilan ng stroke at atake sa puso.

Ayon pa sa DOH, nasa 120 ang mga gamot na kanilang irerekomenda para mabawasan ng presyo. Ang pagpapababa ng mga gamot ay nasa ilalim ng maximum drug retail scheme na nakapaloob sa Republic Act 9502 o ang Universal Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Pagsisikapan umano ng DOH na i-impose ang MDRP para mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino. Ayon kay DOH undersecretary Eric Domingo, ang generic drugs ay binibenta umano ng apat na beses na mas mataas at ang branded ay ibinibenta ng 22 beses na mas mataas lalo na sa mga pribadong ospital. Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa.

Ipursigi ng DOH ang pagpapababa ng gamot para lubos na matulungan ang mamamayan. Igiit na matapyasan ng 50 percent. Hilingin sa Presidente na mag-isyu ng Executive Order para mabilis na maipatupad.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with