^

Punto Mo

9-anyos na batang lalaki, nakatakdang maging pinakabatang university graduate sa buong mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 9-anyos na lalaki ang nakatakdang maging pinakabatang may university degree sa buong mundo kapag nag-graduate sa darating na Disyembre.

Nag-aaral ng electrical engineering ang child genius mula Belgium na si Laurent Simons sa Eindhoven University of Technology.

 Nagsimula siyang mag-aral sa nasabing unibersidad ng siya’y walong taong gulang pa lamang.

Plano ni Laurent na ituloy ang kanyang pag-aaral at kuhanin nang sabay ang medisina at PhD para sa electrical engineering.

Mula si Laurent sa pamilya ng mga doktor, ngunit hindi pa rin maipaliwanag ng kanyang mga magulang kung paanong naging henyo ang kanilang anak lalo na’t wala naman daw silang ginawang kakaiba noong ito ay sanggol pa lamang.

Sa kabila ng natatanging talino na taglay ng kanilang anak, gusto pa rin ng kanyang mga magulang na mabalanse ni Laurent ang buhay niya bilang genius at bilang isang bata.

vuukle comment

EINDHOVEN UNIVERSITY OF TECHNOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with