^

Punto Mo

Sugar Mommy (212)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINAGABIHAN, nagpaalam si Jericho sa kanyang mama.

“Aalis ako bukas ng umaga, ‘Ma?’’

“Saan ka pupunta, Jericho?’’

“Sa Pinamalayan. Dadalawin ko ang isang kaibigan doon.’’

“Malayo ba yun?”

“Tawid dagat ‘Ma.’’

“Nakarating ka na ba roon o ngayon lang?’’
“Ngayon lang ako makakarating dun.’’

“Mag-ingat ka, Jericho.’’

“Opo ‘Ma.’’

“Mga gaano ka katagal dun?’’

“Hindi ko masabi ‘Ma.’’
“Paano ang pag-alis mo pa-Saudi. Di ba isang buwan lang vacation mo?’’

“Tinawagan ko na ang boss kong si Abdulaziz at binigyan ako nang mahabang bakasyon. Nauunawaan niya ang nangyari sa akin dahil sa pagyao ng aking asawa. Mag-enjoy daw muna ako sa bakasyon.’’

“Ganun ba? E di sige. Baka sakaling kapag napunta ka sa Pinamalayan ay malimutan mo ang mga malulungkot na nangyari. Sana ay makatagpo ka roon ng bagong mamahalin.’’

Napangiti lang si Jericho.

KINABUKASAN, madi­lim-dilim pa ay nagtungo na sa bus terminal si Jericho. Sumakay siya ng bus patungong Batangas City Pier.

Makalipas ang tatlong oras, nakarating sila sa pier.

Roro naman ang sasakyan niya patungong Calapan City. Ayon sa teller na binilhan niya ng tiket, dalawang oras ang biyahe patungong Calapan.

Kinuwenta ni Jericho, maaaring gabi na siya darating sa Pinamalayan.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with