EDITORYAL – Pawang kaperahan ang nasa kukote ng mga pulis
(Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

KAPAG nakapili na si President Duterte ng permanenteng PNP chief tiyak na mahaharap sa malaking pagsubok ang kanyang appointee. Paano’y ga-bundok na problema ang kahaharapin nito. Bukod sa paglutas sa kriminalidad, papasanin din niya ang mga “kabaro” na hanggang ngayon ay nagbibigay-dungis sa PNP. Kahit malaki na ang suweldo ng mga pulis, ang pamemera pa rin ang nasa kanilang isip. Sa kasalukuyan, ang pinakamababang ranggo na patrolman ay sumusuweldo ng halos P40,000. Malaki na ito kung tutuusin pero dahil masyadong gahaman, gumagawa pa ng mga kabalbalan na lalong sumisira sa PNP.

Noong Lunes, sinibak na sa puwesto ang tatlong police majors na nang-extort ng P5 milyon sa bidder ng body cameras. Ang bidder ang nanalo sa P30 million worth ng body cams. Nilagdaan ni Lt. Gen. Archie Gamboa, officer-in-charge ng PNP ang dismissal order. Ang mga natanggal sa puwesto ay sina Majors Emerson Sales, Rholly Carragayan at Angel Beros. Sina Sales at Carragayan ay hindi na nagre-report sa duty mula nang sampahan ng kaso.

Noong nakaraang linggo, apat na pulis mula sa Manila Police District (MPD) ang nahuli sa isinagawang entrapment operations. Naaresto ang apat na gahamang pulis sa loob mismo ng Baseco Police Community Precinct habang tinatanggap ang P200,000 marked money sa asawa ng inaresto nilang drug suspect. Unang humingi ng P500,000 ang mga gahaman subalit naibaba sa P200,000.

Ang mga gahamang pulis ay nakilalang sina Corporals Nickson Mina, Juan Carlo Guzman, Francis Miko Gagarin at Patrolman Tom Hikilan. Sinampahan ng kasong extortion at grave misconduct ang apat at masisibak sila sa puwesto.

Pawang kaperahan ang nasa kukote ng mga pulis. Basta pagkakaperahan on the go sila. Marungis na ang PNP ay lalo pa nilang pinadungis. Dapat, hindi lamang sibakin sa puwesto ang mga corrupt na pulis kundi ikulong. Kung pawang sisibakin, enjoy sila dahil nakakulimbat ng milyon. Dapat mabulok sila sa kulungan at nang hindi pamarisan.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with